What If?

Pano kung ang pagkanta ng bawat christian song ay parang de-token. Isang kanta P500 kakanta ka pa ba ng gospel music? Or puro pusong bato nalang ang kakantahin mo?

Pano kung ipinagbawal na ang magsimba? Kaya ang oras ng pagsisimba ay tuwing Wednesday 2-4am sa ilalim ng lupa? Magsisimba ka pa rin ba?

Pano kung ang pagpupuri’t pagsamba sa Panginoon ay parang mala-American Idol o kaya naman Showtime? May huhusga at dadaot sayo o kaya tuwing after mo umawit ng songs of praise may score na lalabas depende sa kung gaano mo nalugod ang Panginoon, would you still dare to worship?

Pano kung ang pakikipagusap sa Dios ay may bayad? Tipong long distance call na Php1000/minute, mananalangin ka pa ba?

Pano kung ang mga mahuhuling nagbabasa ng BIBLE ay pasasagasaan sa cement mixer o di kaya ibibitin ng patiwarik sa flyover ng EDSA o di kaya babalatan ng buhay gamit ang kinakalawang na blade? Hahawakan mo pa kaya ang Bibliya mo? Babasahin mo pa kaya ito?

Pano kung ang nirerequire na tithes from us ay 90% at hindi 10%? Magiikapu ka pa ba?

Pano kung ang makikitang may relasyon sa Dios ay kakaladkarin ng MRT Train ng 12nn hanggang mamatay o kaya nama’y ipapakain sa buwayang isang dekadang nag-diet? Ipapahayag mo pa ba na ‘in a relationship’ ka with GOD? Or secret-on nalang kayo?

Pano kung lahat ng sinasabi ko ngayon ay hindi blog at magkakatotoo bukas na bukas din, anung mararamdaman mo?

Madaling gawin ang mga ito kung walang ganitong klaseng ka-exagerrated na restrictions, sacrifices at costs? Minsan nga kahit may kalayaan tayong i-enjoy gawin ang mga bagay na ito hindi parin natin consistently and whole-heartedly ginagawa. Minsan kinatatamaran, minsan hindi priority, minsan daming excuses at kung anu-anu pa.

Sabi nga ni David,

” I will not sacrifice to the LORD my God burnt offerings that cost me nothing.” (2 Samuel 24:24)

Kung ang mga bagay na nabanggit ko ay masakit sa katawan at sa bulsa, gagawin parin ba natin ito? Anu ang mga sacrifices na ginawa na natin for Him na talagang nasaktan tayo? Pano natin pinaramdam at pinaparamdam sa Panginoon na mas precious pa talaga sya sa ‘silver and gold’? Na mas mahalaga Sya higit sa kahit sino at anupaman? Sya ba talaga ang PANGINOON ng buhay natin? I mean, Sya ba ang top priority at nasusunod sa lahat ng aspeto ng buhay natin? Ibig sabihin inuuna nating makipagusap at makinig sa Kanya bago maghanap ng balita sa newsfeed ng facebook; sa mga lovelife natin Siya ang may final say, Siya ang pipili at hindi tayo, timing Nya ang susundin kahit atat na atat na tayo; sa kaperahan natin Sya rin ang masusunod; yan at marami pang iba! Ang lifetsyle ba natin ay nagpapahayag that JESUS is truly the LORD over our lives?

We are created to glorify Him, whatever it takes, no matter the cost.

Imagine kung ang faithfulness Nya ay depende sa kung gaano tayo katapat sa Kanya? Siguro di na tayo humihinga ngayon. Paano kung ang pag-ibig Nya ay depende din sa kung gaano katindi at kadalisay din ang pagibig natin sa Kanya. Malamang broken hearted na tayo ngayon! Mapalad tayo dahil God does not treat us according on how we treat Him. Napakalayo ng level ng kabutihan, katapatan at pag-ibig Nya satin! He loves us not because of who we are or what we’ve done but He loves us because of who He is!

These are the unseen everyday blessings that we forgot to thank Him for. Everyday opportunities that we sometimes took for granted. Lets stop, reflect and re-allign our hearts to Him.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *