Si Cinderella Ka Ba?

 

20130402-223821

Sino ba namang hindi kinilig sa love story ni Cinderella? Giliw na giliw tayo sa pambihirang pagkakatagpo nya sa kanyang Prince Charming. Biruin mo nahubad lang nya ang sapatos nya at BINGO! Nahanap nya na si Mr. Dreamboy! Kung ganun lang siguro kadali ang paraan para mahanap na natin ang ating ONE & ONLY, eh malamang lahat tayo nakayapak na!!

20130402-231231

 

Sa panahon natin ngayon walang say ang ‘pahubad-hubad shoes’ na peg ni Cinderella. Nakakalungkot lang na minsan may mga taong nahubad (sinasadya man or hindi, napilitan man or kusang loob) na ang LAHAT LAHAT, di parin nila makita ang kanilang TRUE LOVE. Ang masaklap pa dito, bukod sa walang fairy god mother na pwedeng i-magic ang sitwasyon nila, na-rerealize nilang may mali pagtapos na ang love story nila (break o hiwalay na sila, iniwanan na sya, etc.). Kumbaga sa pelikula, black na ang screen.

Dahil ako’y dumaan din sa mga ‘cinderella moments’ ko, marami akong napagtanto, maraming itinuro sakin ang Panginoon. Ang iba doo’y lubhang madugo, ang iba nama’y makaubos luha at ang iba nama’y makatindig balahibo. Anu nga ba ang mga DAPAT HUBARIN at HINDI DAPAT HUBARIN pagdating sa larangan ng pag-ibig?

DAPAT HUBARIN:
1. ANG SEXY, SEDUCTIVE AT MAHAHALAY NA KASUOTAN. 
Kung paano mo dinadamitan ang sarili mo, ganun mo gusto kang itrato ng mga taong makakakita sayo. Wag kang maiinis sa mga truck driver na bigla nalang sisipol ng witwiw sa shorts mong kakapiraso. Wag kang maiirita kung pagpasok mo sa jeep lahat ng lalake sa cleavage mo nakatingin dahil sa blouse mong napakalawak ng neckline. Huwag kang mapapagod sa kakahatak mo pataas ng malalim mong damit at hatak pababa naman ng mini-skirt mong hapit na hapit. Huwag kang mapipikon sa batang halos lagyan na ng coin ang pwetan mong mala-insert sim sa baba ng pantalon mo. Isipin mo nalang kung anung klase ng boyfriend or partner ang mapapaibig or ma-aattract mo the way you dress. Do you want a man who will love your curves and perfect vital statistics isama mo na ang vital signs mo or a man who will love you purely and genuinely without a hint of lust? Does your fashion/clothing brings honor and glory to God? Kung hindi, hubarin mo na yan and dress modestly. ?

2. ANG PANTULOG! 
Tama na ang mahimbing na pagkakatulog at magising na sa katotohanan! Iba ang description ng pag-ibig sa mundong ito.. Ibang-iba at malayo sa salita ng Dios (1 Cor. 13). Kung malalaman lang natin kung anu ang tunay na kahulugan ng pagibig, malalaman nating ang lalaking:
A. gusto kang i-motel nang hindi pa kayo kasal.. (LOVE does not delight in evil-v. 6)
B. walang katiyaga-tiyagang paghirapan ang matamis mong OO.. (LOVE is patient and it always perseveres-v.7)
C. walang ibang ginawa kundi paghinalaan at pagselosan ang kahit sino.. (LOVE always trusts-v. 4 and v. 7)
D. ginagawang hobby ang makipagbreak.. (LOVE never fails- v. 8)
E. walang paggalang sa mga magulang mo o kahit sayo mismo.. (LOVE does not dishonors other-v. 5)
F. binabalewala ang paghihirap ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagpapabaya sa kanyang pag-aaral..
G. IKAW ang first love at top priority nya..
H. nangongolekta at pinagsasabay-sabay ang pag-jojowa..
I. panay ang hingi sayo ng load, clothing allowance, pang-fishball, etc
F. At marami pang iba..

AY HINDI TUNAY NA NAGMAMAHAL SAYO.. Sorry, pero hindi talaga. Wag ng makulit.

Maraming kasinungalingan ang kaaway at ang mundong ito patungkol sa pagibig, kung sasaliksikin natin ang katotohan na nagmumula sa salita ng Dios at papanindigan ito, siguradong di ka makakatulog sa pansitan at di pupulutin sa kangkungan!

3. ANG MAKE-UP! 
Ang laki-laki ng ginaganda ko pag naka-makeup ako!(Hindi naman sa pagmamayabang!) Akala ng mga madlang people ‘only belo touches my skin’ sa kinis at puti ng face ko especially sa picture pero sa totoo lang ‘only perla touches my skin’! May mga iilang tao ang nagtatanong sakin ng ‘Asan ka dito Teh?’ habang nagsstruggle silang hanapin kung asan ako sa picture. Halos di nila ko makilala sa sobrang ganda ng makeup ko at sa galing ng pagkakaedit sakin sa photoshop! Anu ba ang tunay kong anyo? Gano ba talaga ko kaganda? Anu ba tunay kong itsura kapag walang makeup? Karaniwan ang mga lalaking nanliligaw ‘naka-best foot forward’ yan lagi! Ibig sabihin lahat ng kagandahang asal at paguugali ipapakita nya sayo mahumaling at mapaibig ka lamang nya, sa sobrang tuwa at paghanga nating mga babae minsan gusto natin silang bigyan ng ribbon na may nakalagay na ‘BEST IN GMRC’. Paglipas ng ilang panahon, nadidiskubre mo na ang kanyang mga kahinaan, ang kanyang panget na nakaraan at lahat pa ng asal na never mong nakita sa kanya nung una. I’m not saying na ‘plastic’ ang mga lalake if they are kind, gentleman and good to you. Ang ibig ko lamang sabihin ay ang kanilang katapatan sayo especially sa mga pagkakataong mahirap maging honest and truthful.

Nung mga panahon na nililigawan ako ni Mark, may isang pagkakataon na kung saan niyaya nya ko sa Starbucks at may importante daw syang sasabihin sakin. Nang araw ding iyon, nalaman ko ang LAHAT ng kanyang baho, isinambulat nya sakin ng buong giliw ang lahat ng kanyang deepest darkest secrets, ang kanyang madugo at maduming nakaraan ay ikinuwento nya sakin ng walang edit at walang cut. Kung tutuusin nang araw ding iyon, pwede ko na syang talikuran, iwanan sa starbucks at kalimutan nalang ang plano kong sagutin sya. Pero iba ang naging tugon ko, humanga ako sa katapangan at katapatang ipinakita nya.. Lalo ko syang iniibig. And since LOVE does not keep records of wrong, iniwan ko na ang lahat ng nasagap kong tsismis at information sa kanya sa lugar kung saan nya binuko ang sarili nya. ITO ANG TUNAY NA PAGIBIG. Ang Mark na kaharap ko ng araw na iyon ay Mark na tinuwid, inayos at binago na ng Dios.

Sa mga girlaloos dyan, hindi masama ang mag-make up, lalong hindi masama ang photoshop, hindi rin masama na ipakita mo ang lahat ng magaganda at mabuti sayo, ang masama ay ang pagkukunwari. Anu naman kung moody at masungit ka kung may buwanan kang dalaw, wag mo ng ubusin ang mamahaling concealer mo sa pagtatakip ng mga tigyawat mo, kung hindi ka maganda tuwing tumatawa ka dahil labas na labas ang gilagid mo wag ka ng pademure sa pagtawa! Be yourself but change for the good! Ang lalaking tunay na nagmamahal sayo ay kayang tanggapin at mahalin ang dark side ng pagkatao mo. Kahit ba ikaw na ang may pinakamaitim na siko at alakalakan, ikaw na ang may buhok na parang buntot ng kabayo sa gaspang, ikaw na may bilbil na mala-rice terraces, ikaw na ang may mala-connect the dots sa face sa dami ng kinaiinisan mong pimples, ikaw na ang may mala-one seat apart na mga ipin at lahat pa ng mga kinahihiya mo sa sarili mo sa loob at labas ng iyong pagkatao, pisikal man yan o hindi… That man whom GOD prepared for you will love you at your best and will even love you at your worst! I can testify to that! Marami akong kapintasan, kahinaan at kahit ang nakaraan ko ay kasuklam-suklam pero the man (Mckoi) that GOD provided for me loved me unconditionally! May make-up man ako o wala, humaling na humaling sya sakin!

Mark and I been through lots of heartaches and brokeness that day when our SAVIOR redeemed and restored us, we both humbly removed our make-ups kasama ang aming pride, pretensions and excuses and acknowledged that only by His power, love and His grace that we were able to stand and proclaim how great and awesome is He in our lives! GOD blessed the broken road that led us straight to each other.

So pano na te? Kakabili ko lang ng bulak at make-up remover, gusto mo?:)

Gaya nga ng sabi ko kanina, maraming pakulo, kasinungalingan at pakana ang kaaway sa mundong ito lalo na sa larangan ng pagibig. Sa libo-libong demonyo na naka-assign sa isang kristyano mula sa pagkabata hanggang pagtanda nito, kabisadong-kabisado at aral na aral nila ang bawat galaw at kahinaan ng bawat isa sa atin. Dahil dyan, alam na alam nila kung paano tayo tutuksuhin at pababagsakin. Ang salitang ‘scheme’ na ginamit sa Ephesians 6:11 (NIV) ay nangangahulugang ‘a plan or program of action; especially: a crafty or secret one (merriam webster dictionary), ibig sabihin palihim na pinagpaplanuhan ng kaaway kung paano tayo malulugmok sa lusak ng kasalanan, hirap at pasakit.

Oo wala tayong listahan ng mga taktikang kanyang gagamitin laban sa atin ngunit malinaw ang salita ng Dios sa Ephesians 6 na kung tayo’y magiging matapat sa “pagsusuot ng dapat nating isuot”, tayo ay magtatagumpay kahit anu pa man ang strategy na gamitin satin ng kaaway at ng kanyang mga kampon. Tayo’y mananatiling nakatayo ng bibong bibo (full of wisdom) at buong pitagan! WALANG HUBARAN!

HINDI DAPAT HUBARIN:

1. BELT OF TRUTH (v. 14)
Huwag magpalinlang! Lahat ng kwentong barbero, pambobola at kasinungalingan sasabihin sayo ng kaaway para lituhin ka sa kung anu ang totoo at tama! Kung sinasabi nyang malungkot at miserable ang buhay pag walang jowa, HE’S A LIAR! Okay na okay lang isuko ang perlas ng silanganan at ang buong pagkatao mo kahit di pa kayo kasal basta’t nagmamahalan kayo ng tunay at wagas, HE’S A LIAR! Pwedeng pagsabayin ang pag-aaral at pagjojowa, hindi ka madi-distract basta magaling ka sa time management, HE’S A LIAR! Hindi mo na dapat i-honor pa ang mga magulang mo dahil lovelife mo yan, HE’S A LIAR! Walang problema kung single ka at double sya, yan naman ang patok ngayon, yan din ang tema ng mga pelikula at telenovela, kung sino pa ang kabit sya pa ang matapang at super confident, di ka nag-iisa kaya GO lang, HE’S A LIAR! Usong-uso na ang live-in, makisabay ka na para ‘in’ ka, mahirap naman magpakasal tapos maghihiwalay din kayo, sayang ang pera, HE’S A LIAR! Pwede kang makipagrelasyon sa di ka-mananampalataya, iconvert mo nalang sya balang araw maiintindihan na ng Dios yun, HE’S A LIAR!

Yan at marami pang iba!!! He’s the father of lies (John 8:44). Lahat ng sinasabi at sasabihin nya ay drawing! Pirata! Peke! Ang pagsusuot ng ‘Belt of Truth’ ay pagiging maalam at matalino sa kung ano ang katotohonan sa kasinungalingan at mapanindigan mong gawin ito hindi sa abot ng iyong makakaya kundi sa biyaya ng Panginoon. Kung si Eba ay napakagat sa ‘prutas na yun’ sana ikaw hindi, magkanin ka nalang. ? Kung wais si Satanas, mas wais ka! Suot mo ang ‘Bigkis ng Katotohanan’ eh!

2. BREASTPLATE OF RIGHTEOUSNESS (v. 14)
Anu nga ba ang breastplate? Ito ay isang uri ng shield na ginagamit ng isang warrior upang protektahan ang kanilang vital organs (puso) mula sa mga matitindi at malulupit na atake ng kalaban. Ang righteousness o katuwiran na tinutukoy dito ay hindi katuwiran na gawa ng tao kundi ang katuwiran na nagmumula sa Dios. This righteouness that comes from God will guard our hearts from Satan’s charges and accusations against us. It will secure our innermost being from his attacks. Kung minsan ka ng pumalpak at nahulog sa kanyang bitag at ngayon ay iniligtas na ng Panginoon, you are made righteous because of His death on the cross (2 Corinthians 5:21), kaya ang kahit sinong demonyo ay walang karapatang akusahan ka.

Kung totoong tinanggap mo na ang katuwiran ng Panginoon, laman ng puso mo na lumakad ng matuwid sa mata ng Dios, mata ng kaklase mo, ka-opisina mo, kapitbahay mo, kaaway mo at lahat pa may mata sa mundo. Matuwid ka, sa maliwanag man o sa madilim. Matuwid ka madali man o mahirap ang sitwasyon. Matuwid ka 24/7, kumbaga, naka-unli ang katuwiran na meron ka! Walang expiration date!

3. SANDALS OF READINESS TO PROCLAIM GOSPEL OF PEACE (v. 15) 
Merong nakahandang trap at mapanganib na obstacle course ang kaaway especially for you. Kahit nasaan ka man at kahit nasaang season ka ng buhay mo, you are ready to preach the gospel even to your own self! Magandang mailapat mo ang salita at mga pangako ng Dios sa kahit anung sitwasyon na pagdaraanan mo ng may kahandaan. Ang problema ay mahirap maging handa kung hindi mo alam ang salita at mga pangako ng Dios. Proclaiming or preaching His word does not only mean preaching with your mouth, rather its preaching with your life. We should be ready and careful on how we live because we may be the only ‘Bible’ people read. We should be His standard bearer, hawaan mo ang kaklase mo, katrabaho mo, kapitbahay mo, kamag-anak mo, ka-chikahan mo, suki mo, at kung sino-sino pa! Win them for Christ! kung lahat ng barkada mo aliw na aliw sa pakikipag-eyeball at pakikipag-boyfriend, preach with your life! pag nakita nila ang magandang plano ng Dios sa love life mo, kusang magtatanong yan sayo kung anung sikreto mo! Now you can preach with your mouth! And that’s a perfect opportunity for you to share your faith and God’s standard when it comes to relationship!

4. SHIELD OF FAITH (v. 16)
Napakadaming energy ng kaaway at gagawin nya ang lahat upang pagdudahan at paghinalaan natin ang katapatan ng Dios at ng Kanyang mga salita. Anu nga ba ang FAITH? Sabi nga ng mundong ito “to see is to believe”, pero ang sabi sa Hebrews 11:1, “Faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see”. Sa edad mong lagpas-lagpas na sa kalendaryo di ka mapalagay at feeling mo mauubusan ka na ng boylet (hindi pa naman pantay ang ratio ng lalake at babae!), but since you have faith, kahit wala ka pang manliligaw at ka-MU, you have inner peace at sigurado kang sa iyong paghihintay, darating din ang inaasam-asam mong partner in life. Kung lagpas na sa kalendaryo ang edad mo, matibay na matibay pa rin ang faith mo dahil may thermometer pa naman, kung lagpas narin, super confident ka pa rin dahil may BINGO pa. Magpaka-busy ka sa pagpapatibay ng iyong faith kaysa abalang-abala ka sa maya’t mayang pagpopost ng sangkatutak na solo pictures mo sa FB with same background, same angle, same everything just to get the attention of your opposite sex (ito man ang motibo mo o hindi).

Totoo at tapat ang Dios sa Kanyang mga salita at pangako, hindi Sya papalpak, hindi Sya malelate, hindi Sya magkakamali, lahat ng pangako Nya Kanyang tutuparin! Kaya wag mo na Syang tulungan sa pamamagitan ng sobrang pagbabalandra mo ng iyong mga litrato, kayang-kaya Nya na yun! Kahit isang 1×1 picture lang ang meron ka sa FB, kung panahon mo ng magkalove-life it will come! Kaya ihanda mo na ang sarili mo as He brings the man of your life right in front of you!

The enemy will shoot you with his firey arrows of doubt, loss of identity, insecurity, fear and worries, but your shield which is your faith and trust in God will always guard and protect you from all of it.

5. HELMET OF SALVATION (v. 17)
Sa kalsada especially sa Edsa, ang motoristang walang helmet dalawa lang ang maaaring kahantungan, mahuli ng MMDA (yan ay kung walang nagmemerienda o nakasilong sa puno na MMDA Officer) o di kaya’y maaksidente ka ng malubha (labas ang utak). Anuman ang kahantungan mo sa dalawang yan, parehong mapanganib. Kung makalusot ka man ng maraming beses, I’m sure darating at darating ang panahong matutumbok mo ang isa dyan. Mainam ng laging handa sapagkat hindi mo alam kung kailan mangyayari ang akdisente, buti sana kung makakatanggap ka ng text or notification sa FB na maaaksidente ka or mahuhuli ka ng MMDA officer sa araw na ito, kaya lang hindi naman yun ganun, laging surprise ang peg ng sakuna! Ganun din sa buhay natin, hindi tayo bibigyan ng warning ng kaaway sa paparating nyang pag-atake, ang galang at thoughtful naman nya kung ganun?! Bakit helmet of salvation? Sa isip nagsisimula ang lahat.. Binabasa mo tong blog ko ngayon dahil naisip mong mukhang interesting, yan ang suot mong damit dahil yan ang naisip mong isuot. Lahat ng actions natin ay naisip muna natin bago natin ginawa. Kung mali ang naisip natin, mali din ang actions natin. How you think will reflect on your actions. Ang pag-give in sa tukso ay imposibleng di mo napagisipan! Bumigay ka dahil naisip mo at nagdecide kang bumigay! Nagkaron ng pagtatalo sa isip mo and later on nagtagumpay ang kaaway sa panlilinlang sayo. We should protect our minds! Huwag natin bigyan ng kahit kakapirasong daan ang kalaban para makasingit. Para sa ating mga iniligtas na ng Dios, nawawari dapat natin kung ano ang katotohanan sa kalokohan.

Wear your ‘Helmet of Salvation’ for it secures your mind and thoughts against any lies that the enemy could throw at you. God’s salvation through Jesus Christ does not just happen once but it happens everyday, it spares us not just from MMDA officers or any accidents, but it saves us from the enemy’s destruction itself.

6. SWORD OF THE SPIRIT (v. 18)
Nang si Hesus ay tinutukso at binubulagas ni Satanas sa kabundukan, wala syang binatbat sa mga sagot ni Hesus sa kanya. TABLADO SYA! Ginamit mismo ni Hesus ang salita ng Dios upang sagutin ang lahat ng panggogoyo ng kaaway sa Kanya. Ang nakakatuwa at nakakamangha dito, ang salita ng Dios na napaka-makapangyarihan sa lahat na available kay Hesus ng mga panahong iyon ay syang salita ng Dios na available din satin ngayon! Ito ang pinakamatibay nating armas laban sa mga kaaway at alipores nya. Huwag kung anu-anung quotes at pick-up lines ang binabanat natin sa kalaban! Kaya kung nais mong sagupain at sagut-sagutin sya sa mga paratang nyang puro kalokohan–basahin, aralin, isapuso mo ang salita ng Dios! Winner ka!

Hindi ako si Cinderella na mala-fairytale ang love story, pero proud na proud akong sabihin na mas maganda pa kay Cinderella ang love story na hinanda at sinulat ng Panginoon ko sa akin. Hindi ako si Prince Charming na papakasal sa isang babaeng ubod ng ganda, babaeng minsan nya lang nakita at nakasama.. I’d rather love a woman/man na hindi ubod ng ganda pero ubod ng ganda ang kalooban at higit sa lahat, lubos ang pagmamahal sa Dios. Hindi ako si fairy god mother na magaling mag-magic ng sitwasyon! Ngunit katulad ko sya sa pagiging palpak. May hangganan ang kapangyarihan ni fairy god mother. May curfew. Limitado.

Kailangan kong maging totoo sa sarili ko. Wala ng pagpapanggap, pagkukunwari or pagmamalaki. Without my GOD I am nothing. I’m still standing because of His amazing grace. I acknowledge that I AM NOT CAPABLE OF FINDING MY LIFETIME PARTNER. We should let GOD do this not only because HE IS ABLE AND CAPABLE but also because HE IS SOVEREIGN and PERFECT. Sigurado tayo na di Sya papalpak sa diskarte Nya pagdating sa love life natin. Hubarin ang dapat hubarin at isuot ang dapat isuot. Huwag ng magmarunong at lalong huwag ng magmaganda…

Si Cinderella Ka Ba?

20130402-231609

 

20130402-231913

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *