Saan Ka Nakapila Ngayon?

Looking for Opportunities to be Thankful

Araw-araw kung ano-anong pila ang pinipilahan natin..

Pila ng fx at jeep..
Pila sa MRT..
Pila sa CR..
Pila sa banko..
Pila sa kainan..
Pila sa school..
Pila sa libreng bakuna..
Pila sa parlor..
Pila sa Bayad Center..
Pila sa grocery..
Pila sa ATM..

At kung saan-saan pang pila.

And most of the time, napapareklamo na tayo sa samo’t saring inconveniences na dulot ng mga pila.

Kanina, ang isa sa memorable na pila ko.

Nakapila ako sa cashier ng hospital.

Hiningan kami ng hospital ng progress payment para sa nanay kong naka-confine for kidney surgery. Habang nakatitig ako sa bill, naiiyak ako. Hindi dahil sa laki ng kailangan naming bayaran at lalong hindi rin dahil sa na-hospital ang nanay ko. Naiiyak ako kasi ang buti-buti ng Panginoon.

Hindi ko makuhang magreklamo mga Bes! The Lord has been so good to us hindi lang itong mga nakaraang araw. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakakatayo dito sa pila ng billing. May pambayad kami hindi dahil sa mayaman kami o may ipon kami, may pambayad kami kasi pangako ng Diyos samin na..

“Hindi Niya kami iiwan ni pababayaan”…
“Siya ang aming Kayamanan”…
“Tutugunan Niya ang lahat ng aming pangangailangan”…
“Matitikman namin ang kabutihan Niya sa lupa ng mga buhay”..
“Mayroon Siyang plano para sa amin at,”…
“Walang kahit na ano mang imposible sa Kaniya.”

Sa totoo lang walang paglagyan ang pasasalamat ko hindi lang sa mga taong nakikibahagi sa faith journey naming ito, but most especially sa Diyos na hindi lang basta nangangako.

Mga Bes, tinutupad Niya talaga. Hindi drawing. Hindi kwentong barbero.

Mahaba ang pila sa…

Bangko? Pasalamat tayo may pera tayong kukunin o di kaya e may kakayahan tayong magpadala ng pera.

Grocery? Pasalamat tayo't may pambili pa tayo ng mga kailangan natin.

Bayad Center? Pasalamat tayo may pambayad tayo ng bills.

Gratefulness and thankfulness is a choice. Every situation is an opportunity to thank the LORD for His goodness and faithfulness. Kaya let us always see the good in everything.

Anong pinipilahan mo ngayon Bes? Anong hinihintay mo? Ano pa man yan, one thing is for sure, He is with you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *