Sa Ating Pagtanda

img_5455-0

Na-iimagine mo na ba kung anong itsura mo pagtanda mo?

Nasan ka kaya, sinong katabi mo, sinong nag-aalaga sayo at sinong nakayakap sayo?

As I was reading my Bible, I stumbled upon these verses at aaminin ko, parang di ko matanggap na nangyari ito kay King David.

“King David was now very old, and no matter how many blankets covered him, he could not keep warm. So his advisers told him, “Let us find a young virgin to wait on you and look after you, my lord. She will lie in your arms and keep you warm. So they searched throughout the land of Israel for a beautiful girl, and they found Abishag from Shunem and brought her to the king. The girl was very beautiful, and she looked after the king and took care of him. But the king had no sexual relations with her.”

1 Kings 1:1-4 (NLT)

Huwaaaaw! Sa dinami-dami ng asawa at concubine ni David, kinailangan pa talagang maghanap ng ‘young virgin’ (who is a complete stranger) para alagaan sya, asikasuhin at yakapin???

Anyare? Asan na yung ‘to all the girls I’ve loved before’ ni David? Bakit hindi isa sa kanila ang tumabi sa kanya at mag-alaga? Sabihin na nating ‘sumalangit nawa’ na ang lahat ng naka-relasyon ni David.. ‘Asan naman ang mga anak nya? Sangkatutak din ang mga yun, wala bang kahit isa na pwedeng mag-alaga sa kanya? O kaya kahit sino nalang na kapamilya nya. Bakit kailangan pang maghanap ng hindi naman nya ka-ano-ano?

I really don’t know kung anong culture, tradition o kaugalian ang meron sila David noon, pero isa lang ang alam ko…

Ayokong sa pagtanda ko, si ALDEN RICHARDS (Wow ha?!) ang nag-aalaga at yumayakap sakin… Yes, kinikilig ako sa loveteam nila ni Yaya Dub at alam kong sya ang ‘Pambansang Bae’ pero hindi sumagi sa isip ko, ni wala sa hinagap ko na sya ang huling taong makakasama ko sa pagtatapos ng buhay ko. Kahit ba sya pa ang pinaka-gwapo, pinaka-malalim ang dimples at pinaka-virgin, ayoko parin (choosy na kung choosy!)

img_5453

Bakit? Kasi si MARK TIMOTHY BRION lang ang katangi-tanging lalaki na gusto kong makasama, makayakap at makatabi hanggang sa huling pagpintig ng puso ko. Siya lang at wala ng iba. At kung tatanungin mo sya (as in now na!), alam kong yun din ang gusto, goal at pangarap nya.

img_0912-desktop-resolution

3 years palang kaming kasal, pero sa loob ng tatlong taon na yun, marami na syang pagmamahal at kabutihang naitanim sakin at ganun din naman ako sa kanya. Marami pa kaming pagdadaanan, ilang taon pa ang lilipas… Alam kong patuloy pang lalago ang aming pagsasama hindi bilang mag-asawa kundi bilang matalik na magkaibigan.

kev_7341-desktop-resolution

Naisip ko lang.. Ano kayang naitanim ni David sa mga naging asawa at concubine nya? Paano nya kaya pinahalagahan at minahal ang mga anak nya? Naging matagumpay ang paghahari nya nung panahon nya, pero anong nangyari sa sarili nyang pamilya? Masyado ba syang naging busy sa ibang mga bagay sa buhay nya? Mahal na mahal at gustong-gusto sya ng mga kinasasakupan nya, pero bakit ang sarili nyang anak nag-rebelde sa kanya?

Nakakalungkot isipin na sa ating death bed, hindi ang asawa, anak o kahit sinong kapamilya natin ang nasa tabi natin para alagaan at yakapin tayo. Napaka-miserableng isipin that at the end of our lives, isang nurse, caregiver o isang Yaya Dub ang nasa tabi natin.

Bakit hindi mo sandaling silipin ang relationships na meron ka ngayon. Kamusta kayo ng asawa mo? Kamusta kayo ng mga anak mo? Kamusta kayo ng kapatid at mga magulang mo? Anong naitanim at tinatanim mo sa kanila ngayon? Gaano sila kahalaga sayo? Pinapahalagahan mo ba sila? O mas mahalaga sayo ang trabaho, career, pera, ministry, barkada, boss, material things at kung ano-ano pa?

At the end of the day, it doesn’t really matter how much money you’ve made, how popular you are, how many people admires you, et cetera. What’s important is how much you’ve loved and valued your family. Why? Because GOD entrusted you to them. Your wife/husband is your top priority, and then, your children.

img_5457

Maraming pwedeng gumawa ng ginagawa mo ngayon bilang engineer, architect, doctor, pastor, artista, musician, employer, employee, teacher, seaman, driver, accountant at kung ano-ano pa, pero walang ibang pwedeng maging asawa sa asawa mo at lalong walang ibang pwedeng maging magulang sa anak mo, kundi IKAW. Kaya ngayon palang, tanungin mo na ang sarili mo…

Sino ang yayakap sayo sa iyong pagtanda?

img_5459

img_5458

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *