#ReklamoPaMore

Mula ng maging asawa at nanay ako, lalo kong nakilala ang sarili ko. May mga na-discover akong mga pag-uugali, strengths and weaknesses na di ko nakita noong single pa ako. Higit sa lahat, may mga reklamong lumabas sa bibig ko na di ko nakuhang ireklamo noon.

Hindi sa pagmamayabang pero hindi ko ugaling magreklamo. Most of the time kahit saan mo ako patulugin, kahit ano ipakain, ipasuot, ipagawa mo sakin, at kung ano-ano pa,buong giliw ko yang gagawin. Wala kang maririnig sakin. Sa nipis ng katawan ko noon, maniniwala kang masipag at matiisin ako noon. Well, malapad nako ngayon pero feeling ko mas masipag at matiisin ako ngayon!hahaha

Magpapakatotoo na ako. Naging struggle ko na ang pagrereklamo ngayon. Hindi ito naririnig ng asawa ko o kahit ng sino, kasi lahat ng ito nasa isip ko lang, madalas nasa puso narin. But as I soak myself in His Word and in His presence, hindi ko na makuhang mag-reklamo. Sinubukan kong ilista sa ipad ko ang mga seen and unseen blessings ko, nag-batt empty na ang ipad ko hindi pa rin ako tapos sa paglilista. Bigla akong nanliit at nahiya. Sa dami ng blessings and favors, sa sobrang kabutihan ni Lord samin nakuha ko pa talagang mag-reklamo? E di wow!!!

Kaya meron akong disiplina na ginawa at ginagawa sa sarili ko. Pwede nyo ring i-try sa mga sarili nyo. Huwag nyo nga lang gagawin in public, baka mapagkamalan kayong loka-loka.
Everytime na magrereklamo ako, tinatabla ko mismo ang sarili ko. Yes! Bonggang-bongga rebuke talaga. Ito ang ilan sa mga pananabla at pambabara na ginagawa ko sa sarili ko:
Complaint: Tambak na naman ang labahan ko! Hindi na ba matatapos ang laba, sampay, tiklop routine ko?!

img_5676

Praise: Yung iba nga walang masuot eh! Pasalamat ka nga may washing machine ka, yung iba nagpupunta pa sa batis para maglaba! At wag ka! Mano-mano pa with matching palo-palo! Ikaw nga halos di nababasa kamay mo, nagrereklamo ka pa? Tska hello, marami kang nilalabhan kasi ibig sabihin kasama mo sa bahay ang mga mahal mo sa buhay (asawa at mga anak). Yung iba nga, konti ang labahin, nangungulila naman sa mga mahal nila sa buhay.

Complaint: Anak hindi ka na ba talaga titigil sa kakakalat ng mga laruan mo? Parang wala nakong ginawa kundi magligpit at maglinis!

img_5678

Praise: Kung ayaw mo magligpit ng mga laruan, pamigay mo lahat! Buti nga may mga laruan kang nililigpit! Yung ibang bata walang laruan! Ang laruan nila lata, gulong, goma, dahon at tansan! Pasalamat ka din masiglang naglalaro anak mo, yung ibang magulang nangangarap na makitang masiglang naglalaro ang mga anak nilang bed ridden dahil sa sakit!

Complaint: Lagi nalang ako sa bahay. Samantalang noon nakakagala ako kahit kailan ko gusto. Ngayon, shopwise at puregold na lang hindi pa makapagtagal. 

img_4912

Praise: Wow ha?! Sume-self pity ka teh?? Kilabutan ka nga! Yung iba nga laging nasa kalsada kasi walang bahay! Gusto mo palit kayo? Ikaw sa bangketa, kariton at ilalim ng tulay para lagi ka sa labas? Pasalamat ka at meron kang bahay na na-eenjoy, yung iba nga laging nasa galaan pero hindi parin nag-eenjoy.

Complaint: Paulit-ulit nalang ang routine ko bilang nanay, housewife at WAHM (work at home mom). 

img_5680

Praise: Pambihira ka naman teh! Maraming single ang naghahangad na maging wife at maraming wife ang nangangarap na maging nanay! Pasalamat ka na meron kang routine na ginagawa, kasi ibig sabihin malakas ka. Wala kang sakit, hindi ka baldado, wala kang kapansanan at kung ano-ano pa.

Complaint: Ang hirap namang pagkasyahin ng Php 1,000.00 sa grocery at palengke!

img_5681

Praise: Lakas naman ng loob mong umangal teh. Alam mo bang yung iba, walang mapagkasya? Yung iba Php 100.00 ang pinagkakasya para sa limang anak! Malala pa nyan, yung iba kahit piso wala! Asa nalang sila sa makakalkal nila sa basurahan.

Complaint: Ilang buwan nakong puyat at walang tulog kaka-padede. Daig ko pa zombie! 

img_5363
Praise: Buti ka nga wala lang tulog! Yung iba walang gising! Anong gusto mo? Walang tulog o walang gising? Pasalamat ka nga at di ka na bumibili ng lata-latang gatas. Napupuyat ka kaka-padede kasi overflowing ang milk mo at malusog ang anak mo. Maraming babae ang nangangarap na lumagay sa kalagayan mo. Dahil kahit anong gawin nila, hindi sila magka-anak. Hindi nga sila puyat, wala namang silang anak. Gusto mo palit kayo?

Complaint: Lagi nalang ginagabi ng uwi ang asawa ko. 

img_3922

Praise: Pasalamat ka nga at ginagabi sa ministry ang asawa mo! Yung iba ginagabi ang asawa nila dahil sa bisyo o di kaya may milagrong ginagawa. Masaklap pa nyan, minsan di pa umuuwi sa asawa nila! Eh ikaw? Ampogi na nga ng asawa mo (walang sinasabi si Derek Ramsey!), masipag pa sa paglilingkod sa Dios at lagi pang excited umuwi sa piling mo! (sadyang traffic lang sa EDSA)

Yan at marami pang iba! Na-iimagine mo ba ang nagaganap na monolugue between myself and I? Haha Bago pa man lumabas sa bibig ko ang mga reklamong yan, napaglabanan ko na yan sa isip ko.

Gratefulness and thankfulness is a choice. 

We can always choose to think of ways to be thankful for. Meron at meron tayong maipagpapasalamat. Hindi pwedeng wala. Instead of looking for the things that we don’t have, why not thank GOD for the things that we have.

Maraming negative effect ang pagiging reklamador. Mabigat sa kalooban, nakaka-walang-gana, nakaka-wala ng joy at kung ano-ano pa. Whenever we are tempted to complain and grumble, may we be reminded of this verse from the Bible:

“Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you.”

1 Thessalonians 5:16-18

Yan ang sikreto para matikom ang mga bibig natin sa mga unlimited reklamos natin. We should rejoice in Him always, connect with Him at all times and make it a habit to be thankful anuman ang kalagayan natin. Instead of grumbling or complaining, we should be mindful of why we should be joyful. Why? Because it is the will of GOD for us to be joyful and complaining will just kill that joy within us. Sa halip na maging busy tayo kakareklamo, maging busy nalang tayo kakabilang ng mga blessings natin. Let our hearts be filled with gratitude and not complaints.

Palitan na natin ang #reklamopamore ng #praisepamore!

img_5683

il_fullxfull-852302813_8b0v

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *