QUICKTIP: PAANO PUNUIN ANG LOVE TANK NI MISTER?

Super bilis lang nito mga Bes! Read on ng malaman mo kung paano mapupuno ang love tank ni Hubby.

So ano nga ba ang love tank? We all have that. Naranasan mo ba yung moment na nahuli ni Hubby ang kiliti mo at ramdam na ramdam mo ang love niya sayo? Yun yon! Pwede kasing panay-panay ang expression natin ng pagmamahal sa ating mga asawa pero hindi natin napupuno ang love tank nila. Sa madaling salita, hindi natin natutumbok ang bull’s eye at hindi natin nahuhuli ang kiliti nila.

Kaya ito ang 3 quick tips para sa siguradong nag-uumapaw na love tank ni Mister:

  1. SPEAK HIS LOVE LANGUAGE

I love receiving gifts. Kapag umuuwi ang asawa ko from work at may uwi siyang siopao, kinikilig ako at ramdam ko na love na love niya ko. Kapag naman malinis ang bahay at laging may mainit na kape na naka-ready sa office table ni Hubby, ramdam na ramdam niya na mahal ko sya. Noon akala ko kapag binilhan ko sya ng medyas, brief, pabango at kung ano-ano pa, mararamdaman niyang mahal ko sya, yun pala hindi. Hindi niya kasi love language ang ‘receiving gifts’. Yung asawa ko naman kahit mamutla na kakahugas ng pinggan at kakalampaso, walang masyadong dating sakin kasi hindi ko love language ang ‘acts of service’.

Napakahalagang malaman natin kung anong love language ni Mister. At kapag nalaman na natin yun, targetin dapat nating gawin yun. We have five love languages. These are the following:

  1. Words of Affirmation
  2. Quality Time
  3. Receiving Gifts
  4. Acts of Service
  5. Physical Touch

You want to know yours? Click on this link and take the test. http://www.5lovelanguages.com. Pasagutan mo yan kay Mister para malaman mo ang love language nya.

2. USE THE SANDWICH APPROACH

Tinapay, palaman, tinapay. Yan ang sandwich. Kapag meron tayong gustong i-address sa ating mga asawa, hindi dapat tayo parang armalite na pasabog ng pasabog at walang tigil. Kasi kapag ganun, bukod sa hindi siya makikinig, siguradong masisimot ang love tank niya. Syempre di naman maiiwasan na may magagawang mga offense ang mga Mister natin, hindi naman sila perfect. But the question is paano natin i-cocommunicate sa kanila ang mga yun ng hindi tayo nagbubunganganga, nanghuhusga, nagdududa, namimintas, etc? Ito ang formula na ginagamit ko:

POSITIVE + NEGATIVE + POSITIVE = SANDWICH APPROACH

Para mas ma-gets ninyo, ito ang example ko:

ISSUE: Sobrang tagal sa CR kasi may kasamang gadget.

POSITIVE: Alam mo love, sobrang na-appreciate ko na ang tagal mo maligo. Kasi talagang bangong-bango ako sayo. Ang sarap mong amuy-amuyin  at pang-gigilan. Infairness sa liang taon ng pagsasama natin never kitang naamuyan ng putok or asim man lang.

NEGATIVE: Kaya lang love, parang mas okay kung hindi ka nalang magdala ng gadget sa loob ng CR kasi bukod sa di mo namamalayang nakaka-isang oras ka na, sobrang namimiss kita! Kung mag-gagadget ka rin lang, tabi nalang tayo, sabay tayo mag-gadget 🙂

POSITIVE: I know you need your ‘me time’ dahil pagod ka maghapon sa work. I can give you that naman. Gusto mo i-massage pa kita para mas marelax ka. Okay ba yun love?

Kapag ganyan ang approachg natin everytime we deal with certain issues with him, siguradong ang mga dating confrontation na nauuwi sa away ay mauuwi na ngayon sa lambingan. Walang hindi naaayos sa mahinahon at malambing na usapan. Just make sure na sincere ka sa mga sasabihin mo at hindi tunog nambobola.

3. MAKE HIM YOUR LEADER

Hindi tayo ang leader, siya. Anong gagawin natin? Mag-submit. Let us respect and trust him in his decisions. Kahit pa feeling natin sasablay sya sa naisip niyang decision, let us just support him. If he will ask our opinion then let us give it to him pero wag nating ipilit ang diskarte natin. Hayaan nating siya ang may ‘last say’. Huwag tayong kontrabida at kontrabulate. Huwag nating pagdudahan ang kakayanan at leadership nila. Kung magkamali man sila, let us not condemn them at lalong wag nilang maririnig ang mga linyang ‘I told you so’. I’m sure they will learn from their own mistakes. They are called and designed to lead dahil accountable sila sa Dios habang tayong mga wifeys naman are commanded to just submit. So wag natin silang pangunahan at lalong wag natin silang sapawan.

Talagang matinding effort kailangan para magawa ang 3 quicktips na ito pero sigurado akong worth it ang bawat effort, time and even resources na mauubos natin dito dahil hindi lang basta mapupuno ang love tank ni Mister, kundi lalong tatamis ang inyong samahan bilang mag-asawa at lalo din itong titibay.

REALIZE. REFLECT. APPLY

Paano mo pinupuno ang love tank ni Mister? Share us your own quicktips.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *