Piratang Pag-ibig

 

Ito yung akala mo totoong pag-ibig pero hindi pala. Peke. Pirata. Hindi original. It’s not actually love. It’s a cheap imitation of love. Sa panahon natin ngayon parang lahat ata pwede ng piratahin, mga palabas na wala pa sa sinehan meron na sa dvd; mga ubod ng mahal na pabango, damit, bag, sapatos meron ng class A sa greenhills, divisoria at kahit saan; mga iphone at samsung phones kuno; mga dvd players na sunny at pensonic! NAME IT! Lahat ng original may katumbas na pirata. Sino bang may gusto ng peke? Kung tutuusin wala, pero dahil sa yun ang mura at madaling bilhin, yun ang tinatangkilik ng karamihan satin.

Ang malupit dito, pati pag-ibig pwedeng piratahin! Yes, pwedeng gayahin at magpanggap na tunay na ‘pag-ibig’. Akala mo ‘this is it’ na yun pala hindi. Eh paano mo nga ba malalaman kung pirata o trulalu ang pag-ibig?

PAALALA:
Istriktong Pagbabasa at Attensyon ang kailangan. May maseselang tema, mga eksenang siguradong sapul ka at karanasan na makakarelate ka. Ito’y angkop na angkop sa mambabasang tulad mo.

img_3022-0

1. INSTANT
Gaya ng mga instant noodles, instant coffee, instant ulam at instant siopao, instant din ang gusto nyang relationship. Ayaw manligaw, ayaw maghintay, ayaw gumraduate muna, ayaw na pag-iisipan muna, in short agad agad! Akala mo end of the world na bukas at gusto nya maging ‘kayo’ na agad today. Well, sorry to say, but this is not true love. Dahil ang trulalu na pag-ibig ay matiyaga (1 Corinthians 13:4,7). Willing maghintay hanggang sa maging pink ang uwak! Kahit walang assurance, magttake ng risk yan at maghihintay. Ngayon kung nagmamadali talaga sya, ask mo kung may lakad sya. Sabihin mo mauna na sya kung di sya makapaghintay.

2. NGANGA
Ihahatid, sundo ka; Bibitbitin ang bag mo at tutulungan ka sa lahat ng dala mo; itetext ka maya’t-maya para tanungin kung ‘what gawa u?’ (magtatanong pa yan kung anu ulam u); yayayain ka makipag-date at manood ng sine; ililibre ka sa mang-inasal at starbucks; bibilhan ka ng flowers, chocolates at mongo bread; susulatan ka ng love letter at bibigyan ng cards; tatawag-tawagan ka para kamustahin kung ok ka lang ba; magla-like ng magla-like sa mga post mo sa fb, instagram at twitter; sasabihan ka na nagagandahan sya sayo, sa boses mo, sa damit mo, sa personality mo, sa buhok mo, sa tuhod mo pati sa siko mo; ipapakilala ka sa mga magulang nya, uncle/aunties, lolo/lola, kapitbahay; maririnig mo ng madalas sa kanya ang salitang ‘i miss you’, ‘ingat ka palagi’ at kahit ‘i love you’ pero after ng lahat ng nyan pag tinanong mo sya kung anung plano nya sayo at kung anung intention nya wala kang ibang matatanggap na reaksyon kundi NGANGA! YES NGANGA! Di ka naman talaga nya nililigawan o kaya ligawan ka man nya wala naman syang planong pakasalan ka in the near future. So it’s either na-friendzone ka o kaya syota-syota lang.. short term lang. Nothing serious. Kung trulalu ang love nya sayo at seryoso sya, He should have the best intention in marrying you someday and look at you not just as his girlfriend but her future wife as well. Kasi naman, anung purpose ng relationship na hindi marriage ang ending??? Sayang effort, sayang time, sayang ang luha, sayang pera, sayang buhay.. So better save yourself from these and wait for the man na ihaharap ka sa altar, dahil kung hindi, ang ending eh ikaw talaga ang NGANGANGA.

3. LINTA
Puro pakabig; ayaw magpasensya, ayaw magsakripisyo; ikaw ang prey, sya ang predator; katulad din ng linta na sisipsipin ang dugo mo, uubusin din nya ang pasensya mo sa walang humpay na kakaselos, insecure kasi at selfish kaya selos ng selos, pati kaibigan at kapamilya mo pinagseselosan nya! Pekeng pag-ibig ito. Ang tunay na pag-ibig selfess, nagpaparaya at mapagbigay. Ang original na pag-ibig ay nagtitiwala. Kaya wag ka papasipsip kung ayaw mong mamutla sa huli.

4. EXPIRED
May expiration! kumbaga sa unli at delata, may katapusan! katulad ng buhok na nalalagas at nauubos, may hangganan rin ang ‘pag-ibig kuno’ nya. Bukod sa may hangganan ito, pabago-bago din na parang panahon. Wawakasan nya love story nyo today, bukas, kayo ulit! Magic! Conditional din ito (love kita kung ganito ka, ganyan ka; love kita kapag ginawa mo toh, pag binigay mo toh, etc.) at seasonal (parang mangosteen na may panahon, hindi consistent ang intensity ng pagmamahal nya, depende sa panahon, sa mood nya, sa situation na pinagdadaanan nyo, etc.). Hindi reliable, on/off, lululili (lulubog-lilitaw). Usually nag-eexpire ang love nya pag na-turn off sya sayo, nagsawa, nabagot o di kaya’y di mo naibigay ang romansang inaasam-asam nya OR pwedeng naibigay mo na kaya ayaw nya na, wala na kasing thrill. Pwede ring mag-expire ang pagtingin nya sayo kung meron na syang bagong tinitignan. Sabi sa 1 Corinthians 13:8 ‘LOVE never ends’, so friend alam mo na.. Jafakes ang love nya!

5. HAYOK MUCH
Dederetsuhin ko na kayo. Dahil matindi daw ang pagmamahal nya sayo, matindi rin ang pagnanasa nya sayo! Bastos na kung bastos pero ang lalaking gusto kang i-sogo/i-motel nang di pa kayo kasal ay sadyang bastos at mapagsamantala talaga! Para sakin ito ang ultimate ebidensya na pirata ang pag-ibig nya! Maraming nahuhulog dito… thinking na mahal na mahal naman nila ang isa’t-isa; thinking na magpapakasal rin naman sila balang araw; thinking na di lang kayo ang katangi-tanging gumagawa nito kundi marami pang iba at kung anu-ano pang thinking! Tigil-tigilan na ang mga ganitong thinking! Wag na wag mong isusuko ang perlas ng silanganan para sa lalaking ‘hayok much’. Kapag papunta na sa kama ang relasyon ninyo, papunta na ito sa basurahan. Wag mong itapon ang puri, dignidad at pagkababae mo sa piratang pag-ibig. May magandang plano at totoong pag-ibig ang nakalaan para sayo. Kaya wag ka din ‘hayok much’ na pumasok sa relationship baka mauwi ka lang sa lalaking ‘hayok much’. TRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE WEDS.

PS:
Kung sakaling nahulog ka na dito, wag ka mag-alala, di pa huli ang lahat. Hangga’t buhay ka pa pwede pang mag-uturn at tumungo sa maganda at original na pag-ibig na naghihintay sayo. (Jeremiah 29:11)

Wag magpalinlang. Maging matalino sa pagpili at sa paghihintay. Hindi ito ang klase ng pag-ibig na gugustuhin mong makamtan. Hindi ito magtatagal, mabilis itong masisira. Sa pagtangkilik mo sa piratang pag-ibig, hindi lang integridad mo ang sisirain nito.. pati buhay mo, syempre paunti-unti at sa paraang di mo namamalayan. Bubulagin ka sa kung ano ang tama. Hindi porket ito ang ‘norm’ ng mundo, ito nalang ang choice mo. Naku! don’t settle to this kind of love.

Huwag kang mapapagod ipaglaban at panindigan ang paghihintay sa ‘original’ na pag-ibig. Hindi nakakahinayang hintayin ang lalaking hinanda ng Dios na sadyang para sayo. A man who’ll make your dreams come true; a man who’ll bring out the best in you; a man who will love you unconditionally, honor and respect you, treat you with high regards and will value you all the days of his life; and most importantly a man who will prepare you for eternity by leading you closer to GOD. O diba? Mas bongga yan kaysa sa mga napapanood nating love story sa sinehan! Wag mong isiping drawing yan o kwentong barbero. Isa ako sa mga magpapatunay na mayroon pang original na pag-ibig.

Our Wedding Onsite Video by LoveCatz Studio

kev_7407-desktop-resolution

 

Panuorin mo ang video na ito para mas maliwanagan ka pa sa kung anu talaga ang ‘original na pag-ibig’.

PAG-IBIG by Yeng Constantino

Kaya dun na tayo sa original. SAY NO TO PIRACY!

img_3024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *