Pasas

Ayoko ng pasas. Pag nakita ko sya sa menudo, macaroni salad, tinapay, embutido at sa kahit anu pang ulam o dessert, tinatanggal ko toh. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko ‘Bakit ba kasi kailangang may pasas pa???’. Hindi ko talaga makita ang purpose ng pasas sa kahit anung pagkain.

img_2939-0

Nung isang gabi habang kumakain kami ng hapunan (menudo na walang pasas ang ulam namin), nabanggit ng aming kaibigan (itago nalang natin sya sa pangalang Paul) na ayaw din daw nya ng pasas sa ulam (di naman pala ko nag-iisa!). Sa kumpanyang pinapasukan nya noon ‘PASAS’ daw ang tawag sa mga katrabaho nyang medyo behind, walang silbi or sabihin na nating weakest link. OUCH! Tawagin na kong mataba wag lang akong tawaging pasas!

Bigla kong naalala ang verse na ito sa Bible..

“..I am fearfully and wonderfully made..” (Psalm 139:14)

Walang ‘pasas’ sa paningin ng Dios at wala Syang nilikhang ‘pasas’. Lahat ng nilikha Nya maganda, may angking galing, may purpose. Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam na malaman na ang Dios na gumawa ng langit at lupa ay hindi ‘pasas’ ang tingin sayo. Pero honestly, may mga pagkakataon sa buhay ko na feeling ‘pasas’ ako.. behind, weakest link, left-out/out of place and walang silbi.. Sa kabila ng mga ‘pasas moments’ na ito, paulit-ulit pinapaalala at pinaparamdam sakin ng Panginoon na ‘I AM THE APPLE OF HIS EYE’ (wow! apple naman pala ang level ko!) 

Ngayong nagka-baby ako, lalo kong nauunawaan ang pagtingin at pagmamahal sakin ng Panginoon. Hindi ko pwedeng tignan na ‘pasas’ ang anak ko dahil mahina pa sya at wala pang naitutulong samin.. sa halip, sa kabila ng kanyang kahinaan, ‘crispy pata’ ang tingin ko sa kanya (hindi dahil sa mga legs nya)… Bida sa hapag kainan, center of attraction, masarap at mahalaga!

Kaibigan, kung sakaling ‘feeling pasas’ ka today, gusto kong sabihin at ipaalala sayo na higit pa sa ‘apple’ at ‘crispy pata’ ang tingin sayo ng Dios. Napakahalaga mo sa Kanya. You are actually priceless! Magbabago ang halaga ng itlog, bigas, gasolina, dolyar at sibuyas pero kailan ma’y hindi magbabago ang halaga mo sa Kanya! Kaya mag-celebrate ka! HINDI KA PASAS AND YOU WILL NEVER BE A PASAS.

img_2940-2

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *