Para Sa Mga Nakatayo

Naranasan mo na bang dumugin ng mga tricycle? Yung pagbaba mo ng bus, pinipilahan kang isakay ng mga tricycle drivers! Hindi mo na kailangang maglakad sa terminal ng tricycle para pumila at sumakay! Instant na instant! Bago mo pa man ihakbang ang paa mo palabas ng bus, naka-abang na ang sangkatutak na drivers para isakay ka. Maganda po ako pero hindi po ako artista at lalong hindi ako sikat, sadyang mahigpit lang ang pangangailangan ng mga drivers na ito kaya nag-aagawan sila sa pasahero!

Ayaw natin ng inconvenience. Tama? TOMOH! Gusto natin pag nag-para tayo, hihinto agad ang jeep kahit nasa gitnang kalsada pa toh–ayaw kasi nating maglakad (lakad-lakad teh pag may time). Ayaw nating pumila kasi nagmamadali tayoat late na sa lakad natin (try mo gumising ng maaga, try lang). Tumatawid tayo kahit saan natin gusto kasi nakakahingal umakyat sa matarik na overpass (exercise ng konti koya para di ka hingalin). Nagtatapon tayo ng kalat kahit saan natin feel dahil ayaw nating maabala sa paghahanap ng basurahan. Sinusuhulan natin si Manong MMDA pag nahuli tayo dahil ayaw nating maistorbo sa pagtubos ng lisensya natin. Yan at marami pang iba! Pero ang nakakalurkey dito, ayaw na nga natin ng inconvenience, reklamo pa tayo ng reklamo sa bulok na sistema ng gobyerno natin. Kapag natabunan ang bahay mo ng bundok ng basura sinisisi mo ang Presidente ng Pilipinas! Kapag super congested ang traffic halos isumpa mo ang mga traffic enforcer. WAIT LANG! Mga kababayan, may kinalaman po tayo sa mga ‘inconveniences’ na nararanasan natin. Wag tayong choosy sa mga consequences ng sarili nating mga katiwalian. Kung nagtanim ka ng santol, wag kang umasa na aani ka ng ubas!

Kung mag-eexert ka ng effort na maglakad ng kaunti sa terminal ng trycycle para naman tangkilin ang mga drivers na pumipila at sumusunod sa sistema ng TODA aba sigurado akong darating ang panahon na wala ng magtatangkang mangbuwakaw. Sa simpleng effort na ito, napasunod mo ang mga trycycle drivers sa sistema na magdudulot ng kaayusan sa kalsada natin. Kung titiisin mong madumihan ang sarili mong bulsa o bag wag lang madumihan ang paligid mo darating ang panahon na wala ng relief operation kasi wala ng baha. Sa pamamagitan ng pagtitiis na ito hindi mo lang na-prevent ang baha, nailigtas mo pa ang mga kababayan mo sa kalamidad na dulot ng baha. Kung pagtyatyagaan mong dumaan sa mahaba yet tamang proseso ng pagtubos ng lisensya mo instead na maglagay at manuhol, mababawasan ang mga nangungurakot. Alam kong nagegets mo ko, pinoy ka e! Bibo ka!

Inilalagay ang mga batas at sistema hindi para mahirapan at magdusa tayo. Inilalagay ito para sa kaayusan at ikauunlad ng bayan natin na sigurado namang makakabuti rin sa atin.

Finally, brothers and sisters, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things.
Philippians 4:8

Next time na makaka-encounter ka ng mga situation na pipili ka between right and convenient, piliin mo ang tama. Dahil ang pansamantalang convenience ay maaring maging forever inconvenience balang araw. Kung bawat mamayang Pilipino ay iniisip at gagawin ang ‘whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure whatever is lovely, whatever is admirable–anything that is excellent and praiseworthy’, anung klaseng Pilipinas meron tayo?!!! Ito ang totoong ‘It’s more fun in the Philippines!’

Ang kaayusan at kaunlaran ng bayang ito ay hindi lang nakasalalay sa mga nakaupo, kundi sa atin ding mga NAKATAYO! 

MABUTING PILIPINO by Noel Cabangon

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *