Panis na Tinola at Unang Yakap

Nagkasamaan kami ng loob ni Mark nung isang araw dahil sa napanis na tinola. Nagluto kasi ako ng tinolang manok nung isang gabi at usapan namin uulamin namin yun hanggang kinabukasan ng tanghali. Usually ako ang naka-assign sa pagliligpit at pagtatago ng pagkain at siya naman ang taga-hugas ng mga pinagkainan. Kaya lang nung gabing yun, pinigilan nya kong kumilos dahil nga daing ako ng daing na ang sakit ng likod at tyan ko. To make the long story short, iniwan lang nya sa kaldero ang tinola at hindi pinasok sa ref.

Paggising ko nung umaga, sumambulat sakin ang mabulang tinola na niluto ko. Bukod sa mabula, medyo maasim narin ang lasa nya. Nainis talaga ko ng husto at sumimangot ng bongga para maramdaman nyang masamang-masama ang loob ko na pinanis nya ang tinola! Ayokong-ayoko pa namang nagtatapon ng pagkain. Hindi ko talaga naawat ang sarili ko sa pagbusangot, (ayaw na ayaw pa naman nya nun! Sinadya ko talaga para alam nyang mahalaga sakin ang tinola!haha) wala man syang narinig na kahit anong salita sakin, sinigurado kong nailabas ko sa facial expression ko ang lahat ng sama ng loob ko (nai-imagine mo ba ang level ng pagsimangot ko?). Hindi ko ugaling magdabog at pumalatak pero yun ang buong giliw kong ginawa nung mga sandaling yun.

Hindi sya kumain ng tanghalian at lalo ko itong kinainis. At para makaganti ako at lalo kong malubos-lubos ang pang-aasar ko sa kanya, kinain ko parin ang tinola nung tanghali kahit mamanis-manis na at kahit buntis ako (sorry Hope, ang selfish ni Mommy). Again, wala syang narinig na kahit anong negative words sa bibig ko but I make it sure na nagalit ko sya through my actions. Wala talaga kong ibang goal nung mga sandaling yun kundi ang mabigyan ng hustisya ang napanis na tinola.

Nagpatuloy ang mga routine namin. Nagtatrabaho sya sa office nya, ako naman pinaliguan ko si Faith at pinatulog na. Habang nasa kwarto ako, ang dami kong gustong isumbat kay Mark. Ang dami kong sentimiyento na gustong isambulat sa kanya (dahil narin siguro sa mga pregnancy hormones ko..) Marami akong masasakit na salita na gustong sabihin (again, dahil lang ito sa napanis na tinola). But I chose not to speak nalang. Well, feeling proud pa talaga ko na tinikom ko nalang ang bibig ko. Sabi ko pa kay LORD..

“Oh ayan Lord ha??? Hindi ako nagsalita. Tinikom ko ang bibig ko. Ang galing ko diba? Christian na christian ang arrive ko..”

Hindi nga ako nagsalita pero sa puso at isip ko ang dami ko ng nasabi. Mga salitang alam kong ikakasimangot din ng mukha ni LORD. Nagpatuloy pa ang pag-eemo ko. Bukod sa napa-selfpity ako, nautusan ko pa ang Holy Spirit na i-convict ang asawa ko! Hahahaha YES! I was praying na i-deal naman ni Lord ang puso ng asawa ko (at parang mas marunong pa ko sa DIOS!). Sumbong ako ng sumbong sa DIOS na sana naman kumilos Siya sa puso ng asawa ko at humingi na siya sorry sakin. Kasi alangan namang ako pa unang humingi ng sorry sa kanya? Eh sya nga ‘tong may offense! Sabi ko pa eh,

‘Lord, ipamukha mo nga sa kanya na mali ang ginawa nyang pag-aaksaya ng pagkain! Mali na pinanis nya ang tinola!’.

After ko magpray, may nabasa akong article na talaga namang sumampal sakin at bumasag ng pride ko. Wala akong kamalay-malay na habang inuutusan ko ang DIOS na i-deal ang puso ng asawa ko, puso ko ang inayos Niya. Ako ang nakaramdan ng conviction at nakatanggap ng rebuke. Bigla nalang umagos ang luha sa mga mata ko! Para akong binuhusan ng mainit na sabaw ng tinola. Natauhan ako. Imagine? Nagawa kong hindi respetuhin at pasamain ang loob ng asawa ko dahil sa napanis nya ang tinola ng di naman nya sinasadya??? God spoke and deal with me in a very personal way kaya ang puso kong kasing tigas ng kaldero ay naging kasing lambot na ng papaya.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto, pinuntahan ko sya sa office nya at niyakap ko sya. Niyakap din nya ko at nag-iyakan kami ng bongga. Humingi kami ng sorry sa isa’t isa at nilagyan na ng closure ang napanis na tinola.

Namamangha ako kung paano sakin tinuturo ng DIOS ang mga dapat kong matutunan hindi lang sa buhay may-asawa kundi sa lahat ng aspeto ng buhay ko. I am just so thankful and grateful na napakahaba ng pasensya Niya sakin. And yes, though we strive to be like Him, talagang hindi maiiwasan na mag-sstruggle tayo, but the good news is, His grace is enough. His grace will empower us to do the things that pleases Him and brings honor and glory to His name.

Who would have thought na maaari Niyang gamiting instrumento ang panis na tinola para basagin ang mga dapat basagin sakin? Excited ako sa mga susunod na teaching moment Niya sakin, baka next time panis na gatas naman. ?

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang lalaking ito sa panis na tinola, sa sariling kong pride or sa kahit sino at kahit ano pa sa mundong ito :
Hinding-hindi ko ipagpapalit ang lalaking ito sa panis na tinola, sa sariling kong pride or sa kahit sino at kahit ano pa sa mundong ito 🙂

22932874722_87248b9dfa_b

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *