Paano Mapagod?

Para maiba naman, ito ang mga tips ko para mapagod ka, sampu ito, para siguradong pagod ka.
Disclaimer: base sa tunay na buhay. Ang tamaan, pagod.

1. Ugaliing magsabi ng YES! Oo ka lang sa lahat. Kahit ihi nalang ang pahinga mo, yes ka lang ng yes sa lahat ng opportunities, sa lahat ng lakwatsa, sa lahat ng pakiusap sayo ng boss, kaibigan, kapamilya at kahit pa ng kapitbahay mo! Wag na wag kang tatanggi! Oo-han mo lahat hanggang sa mamutla ka. Siguraduhin mong marami kang committments at wala ka dapat focus. Time management? Wala ka dapat nun.

2. Kung ika’y nagtatrabaho o kahit nag-aaral, wag na wag kang magkakaroon ng magandang attitude. Laging maghanap ng mga bagay na pwedeng ireklamo (sistema, late at maliit na sahod, pambihirang boss, pabago-bagong shift, work assignments na imposible, tambak na labahin, tamad na teacher, etc. ). Tandaan, kasabay ng iyong sangkatutak na pagrereklamo, wag na wag mong kakalimutang sumimangot.

3. Magipon ka ng sama ng loob. Lahat ng hatred and bitterness mo mula nung bata ka hanggang ngayon, ingatan mo sa puso mo at wag na wag mong pakakawalan. Dalhin mo ito kahit saan ka magpunta (school, ministry, work, bahay, etc.) Palagi mong pagmuni-munihan ang mga bagay, sitwasyon at mga tao na nakasakit sayo. Siguradong makakahawa ka pa kapag ginawa mo ito!

4. Gawin mong motivation ang pagpapayaman. Ito dapat ang ultimate life-goal mo! Pressure yourself na dapat at the age of 30 mas mayaman ka na kay Henry Sy. Bawat galaw mo sa buhay dapat pakabig lagi ang pera. Isipin mong pera ang pinakamahalaga. Hindi pamilya, hindi kaligayahan, hindi ang Dios.. Pera lang. Okay?

5. Huwag na huwag kang mag-eenjoy! Kaya don’t spend time with your family, friends and loved-ones. Dapat puro work lang. Tapos always deprive yourself. Lahat ng ‘fruits of your labor’ ipamudmod mo sa madlang people at wag na wag kang magtitira kahit pambili man lang ng sarili mong panyo.

6. Tambay lang ng tambay. Mag-fb ka buong magdamag, maglaro ng computer games ng walang humpay, makipag-tsismisan hangga’t di ka paos, matulog ng matulog hanggang sa mapudpod ang kama mo, in short, siguraduhin mong unproductive ka at wala kang na-accomplish.

7. Makipag-kompitensya ka at all times, as in kahit hindi na healthy! Always compare yourself sa mga tao sa paligid mo. Make sure na you are a ‘people pleaser’ and not a ‘God-pleaser’. Siguraduhin ding insecure ka. Pag may mas nakaka-angat sayo, siguraduhing nakakaramdam ka ng pagka-inggit o di kaya’y pagnilay-nilayan mo na kung paano sya hahatakin pababa.

8. Kapag na-achieve mo na ang rurok ng KAPAGURAN, siguraduhin mong wala kang outlet.Kimkimin mo ang lahat ng ito. Pag nagkasakit ka na rin dahil sa sobrang kapaguran, Wag ka magpapahinga, never ever do that! Tigasan mo ang ulo mo at pahirapan mo ang magaalaga sayo. Abangan mo na ang kamatayan, yun na ang highest level ng kapaguran.

9. Kung nagbago ang isip mo at gusto mo pala magrest, hanapin mo ang kapahingaan mo sa pamamagitan ng pag-inom ng alak, o kaya magshopping ka ng bonggang bongga, try mo ding mag-out of town at maglakwatsa hanggang sa dulo ng walang hanggan, manood ng TV bente kwatro oras. Pag ginawa mo ito, sinasabi ko sayo, hindi ka talaga nakapaghinga, pagod ka parin! Ang galing diba?

10. Ang Dios nga nagpahinga sa 7th day ng creation, wag mo Sya gayahin, Dios ka ba? Ito na ang pinaka-importante sa lahat… Huwag na huwag kang pupunta ng church, ang Bible ay wag na wag mo ring bubuklatin (kung wala ka pang Bible, mas mainam. Binabati kita. Siguradong pagod ka na) at higit sa lahat wag na wag mong tatangkaing manalangin. Kalimutan mo ng lahat ng sinabi ko from 1-9 wag na wag lang ito. Ito ang pinaka-susi sa tunay na kapaguran. Kapag ginawa mo ito, asahan mong mararanasan mo ang COMBO ng kapaguran. Pagod ka physically, mentally, emotionally and spiritually. Kung nakamit mo na ang COMBO na ito, CONGRATULATIONS!

Ayan! Nawa’y napagod ka sa pagbabasa ng blog na ito. Para sa mga nais magpatuloy sa kanilang buhay ng pagod, wag na wag nyong babasahin ang bible verse na ito. Baka ma-encourage kayo at mawala ang inyong pagod.

Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light. –Jesus
Matthew 11:28-30

Sinong pagod? Choice mo yan. ? Pwede pang magbago ang isip mo.. Baliktarin mo lang lahat ng nabasa mo at wag na wag mong kakalimutang namnamin ang Matthew 11:28-30.

9db1593b87150d68b9e463cb24e47bb1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *