Natutunan Ninyo Ba ito sa Asawa Ninyo?

Side table ni Mark
Side table ni Mark
Side table ko!!!! Hahahaha
Side table ko!!!! Hahahaha

Pagdating sa kalinisan at kaayusan napakarami kong kakaibang natutunan sa asawa ko. Kakaiba na di ko alam kung wala akong common sense o sadyang pambihira talaga ang standard ng asawa ko.

Standard. Kapag yan ang pag-uusapan, napakalaki ng pagkakaiba namin ni Mark. Malinis at maasikaso rin naman ako sa bahay, hindi lang kasing linis nya. Haha Naalala ko nung mga unang araw na kami’y bagong kasal, nakatira kami sa maliit na apartment sa Muntinlupa. As in maliit lang. Ang bed namin ay nasa sahig, katabi ng sofa, malapit sa CR. Maganda naman ang aming munting tahanan, fully furnished at madaling linisin.
Napansin ko lang na lahat ng galaw at kilos ko, sinusundan nya..

Iinom ako ng tubig, iiwanan ko ang baso at pitchel sa mesa, kukunin nya at ipapasok sa ref ang pitchel, huhugasan ang baso at pupunansan ang mesa.

Pagkagising namin sa umaga, babangon ako at maliligo, paglabas ko ng CR, maayos at plantsado na ang bed. Uupo ako sa bed, tapos aalis rin, maya-maya, aayusin na naman nya ang bed.

Dadaan ako papunta ng CR, tatapak ako sa bed, aayusin nya ulit.

After namin kumain, maghuhugas ako ng mga pinagkainan tapos uupo nako sa salas. Maya-maya lang makikita ko syang naghuhugas ulit at nililinis ng mabuti ang kusina.

Yan at marami pang iba! Ganyan kami ng ilang linggo. Di naman ako masyadong makahalata kasi nga honeymoon season namin! Hahaha kumbaga eh, sweet-sweetan kami. Di naman sya nagagalit at nag-rereact, sa halip eh lambingan pa kami ng lambingan!

Hanggang sa isang araw, napansin kong medyo nakasimangot na sya at tila ba buryo na sa aming routine. Alam kong may mali, pero di ko pa ma-absorb kung anung gusto nya. Kaya nagusap na kami dahil malapit-lapit na kaming mag-cold war. Naiinis na siguro sya at napapagod dahil parang di ako nakakahalata at di ako natututo, ako naman ay naiirita na dahil konting galaw ko nakasunod sya. Kulang nalang pati pagligo ko, ulitin din nya dahil di sya satisfied!

Mahaba ang aming naging usapan. Nagka-ungkatan kami ng upbringing at values pagdating sa bahay. Naintinidhan ko na kung bakit sya ganun at naintindihan din nya kung bakit ako ganito. Nagkasundo kaming maging gracious at patient sa isa’t-isa habang nasa season kami ng learning and unlearning.
Hindi madali ang season na ito.

Biruin mo, ilang taon kaming nasanay sa kung anong nakagawian namin, sabay mag-sasama kami sa isang bubong! Aba’y madugo na adjustment talaga ito. Almost 3 years na kaming kasal at hanggang ngayon, we are still learning and unlearning so many things at isa palang itong ‘standard ng kalinisan’ sa pinagaaralan ko. Talagang marriage is hard work. As in literal na pagpapawisan ka sa sobrang hard. Haha:))

Gaya nga ng sabi ko kanina, marami akong natutunan sa asawa ko na di ko natutunan sa classroom o kahit saan (Actually, natutunan ko narin toh sa Nanay ko noon, pero noon walang masyadong application kasi lagi naman akong wala sa bahay). Natutunan in a sense na naging values at standard ko narin sya.

Para mas maintindihan nyo ako ito ang ilan sa mga natutunan ko sa kanya na di ko alam kung natutunan nyo sa inyong mga asawa:
1. Hindi dapat kumain ng pinya sa office table. Malagkit kasi.
2. Lagi dapat pantay ang sofa at hindi nakalapat sa pader kasi pag mainit, dumidikit ang leather sa pintura ng wall.

3. Bago matulog sa gabi, dapat malinis ang salas at kusina.

4. Pag naghugas ng mga pinggan, dapat punasan ito ng mabuti at huwag iiwanan sa dish rack.

5. Dapat tuyong-tuyo din ang sink at walang bakas ng tubig kahit isang patak. Wala dapat matitirang kalat sa strainer ng lababo kahit isang butil ng kanin.

6. Ang mga undergarments gaya ng brief at panty ay hindi dapat wina-washing machine kundi hina-handwash.

7. Hindi dapat inaapakan ang bed.

8. Ang pisil ng toothpaste ay sa dulo at hindi sa gitna.

9. Ang diaper na may poops ay dapat iplastic bago itapon sa trash can.

10. Hindi dapat nagpapatong ng glass of cold water sa office table at center table.

11. Pag may kinuha ka, siguraduhin mong ibalik mo kung saan mo kinuha.

12. Ang mga binuksan dapat isara pagkatapos.

13. Maling prinsipyo ang hindi maglampaso dahil aapakan din ng mga bisita mamaya.

14. After gamitin ang kalan, dapat linisin, punasan at tuyuin ito para hindi dumikit ang mga talsik at mantika.

15. Kapag umihi sa inidoro dapat walang tulo sa sahig o sa bowl, kung meron man, punasan at isprayan ng alcohol.

16. After maligo, dapat nakasara ang shower curtain.

17. Bago gamitin ang dining table sa umaga pati ang highchair ni Faith, dapat punasan muna mabuti dahil baka ginapangan ng kung anong insekto.

18. Ang mga libro sa bookshelf ay dapat laging pantay-pantay at walang lagpas.

19. Kapag magwawalis ka dapat dakot agad at wag ng ipunin sa isang area ang mga nawalis.

20.  Hindi dapat nagsisipilyo sa stainless na sink kapag lalo na kapag hard water, kasi magmamantsa ang tulo ng toothpaste.
Yan at marami pang iba! OC? Perfectionist? Maarte? Strict? NO. That’s what you call EXCELLENCE.

Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things. -Philippians 4:8 ESV 

Hindi sya ang nagsabi nyan, Bible na ang nagsabi nyan. Aaminin ko, nakulot at muntik ding maubos ang buhok ko sa pagsunod sa standard na yan. But I’ve realized that what I’m doing and following is not really Mark’s standard but God’s standard. I should be excellent in everything even sa mga ganitong simpleng bagay not just to please my husband or just to avoid ‘away’ but I should be excellent because I want to please GOD and I want to honor Him.

I’m thankful and grateful na nakapangasawa ako ng lalaking excellent at mataas ang standard. Hindi lang sa kaayusan at kalinisin kundi pati sa ibang bagay. Hindi ako matatakot na tularan sya ng magiging mga anak namin. Baka mas matakot pa nga ako pag ako ang tinularan ng mga anak namin pagdating sa cleanliness at orderliness! Hahaha Seriously, we should be ONE even sa mga ganitong bagay. Lalo na ngayon na mga magulang na kami. Ayoko namang malito ang mga anak namin kung sino at ano dapat nilang sundin at tularan. So we should be one and consistent sa values na ito so we don’t confuse our children.

Yes, marriage is hard work, parenting is hard work BUT at the end of the day, you’ll realize that it’s all worth it.

Bagong linis nga pala ang bahay namin. Ako naglinis nyan. :)
Bagong linis nga pala ang bahay namin. Ako naglinis nyan. 🙂

phillipians-4-8_copy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *