Nancy and Goliath

20130515-143646

Maraming kinakaharap na batikos at panunukso si Ms. Nancy Binay mula sa kanyang pagkapanalo sa pagiging senador. Abot-abot na panlalait ang inabot nya.. Ang iba’y masyado ng personal at wala ng kinalaman sa pagtakbo nya bilang senador. Bobo raw sya, glorified alalay, negra, magmumukha daw syang nazareno pag sinuot nya ang robe ng mga senators, yan at marami pang iba.

Bago ko pa man ibuka ang aking bibig upang maki-share sa sentimiyento ng mga nakakaraming Pilipino, naisip ko lang bigla kung si David ang nasa panahon natin ngayon. Kung sya’y magtutupa at hamak na tagapangalaga ng mga hayop I’m sure marami ding magtatanong, maiinis at maghihimagsik kung sya ang magiging Hari. Malamang trending na trending din sya sa facebook at twitter! Sigurado kong gagawin ding katatawanan ang mga litrato nya kasama ang kanyang mga tupa, tirador at mga bato. Kung nung unang panahon pinagdudahan ng mga Israelita ang kakayanan ni David dahil sya’y bata, walang kakayanan at walang sapat na karanasan sa pagiging pinuno o hari malamang magdududa din tayo ngayon.

Napahiya at napalunok laway ang mga Israelites pati ang mga Philistines pati narin si Haring Saul nang talunin ng isang batang magtutupa ang napakalaking higante na si Goliath.

20130515-143935

I’m not saying na si Ms. Nancy Binay ang ‘David’ ng ating panahon. Kung sya man ay mala-David salamat naman at siguradong tagumpay ang ending natin pero kung hindi man karapatan ba nating maging harsh sa mga tingin nating hindi karapat-dapat? dapat bang mali ang maging attitude natin towards them? Romans 13:1-2 says,

Everyone must submit himself to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God. Consequently, he who rebels against the authority is rebelling against what God has instituted, and those who do so will bring judgment on themselves.

Tapos na ang eleksyon; nanalangin tayo, pumili ng may katalinuhan at bumoto. Hindi kasama sa part natin ang magreklamo at mandaot kung di man nanalo ang mga manok natin at lalong hindi natatapos dito ang ating bahagi bilang mga mamamayang Pilipino at bilang anak ng Dios. Tanungin natin ang ating mga sarili, anu ba ang nagawa ko na, ginagawa ko at magagawa ko pa para sa Dios at para sa ating bayan?

Kahit sino man ang maupong presidente, si HESUS parin ang Hari. Kahit sino pa man ang mamuno sa ating bansa GOD is sovereign.  Kung wala man tayong tiwala sa mga nakaupo ngayon sa senado, munisipyo at mga baranggay hall, pagtiwalaan natin ang Dios natin na nakaupo sa Kanyang trono. 

20130515-143559

 

*Created last May 15, 2013

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *