Nakakawalang Gana

Nakakawalang gana magalit. Sayang na ang energy, nakakapanget pa ng aura.
Nakakawalang gana magsinungaling. Kailangan mo pang magimbento ng marami pang mga kasinungalingan para mapagtakpan ang una mong kasinungalingan.
Nakakawalang gana maging tamad. Ang bigat sa katawan, ang gloomy pa ng pakiramdam.
Nakakawalang gana maging bitter. Mauubos na ang kaibigan/kapamilya mo, ang lungkot pa ng buhay mo.
Nakakawalang gana magreklamo. Lalo na’t ma-rerealize mong mas mabuti pa nga ang kalagayan mo kaysa sa iba.
Nakakawalang gana magpanggap. Tago ka ng tago. Sa huli ikaw din ang pagod.
Nakakawalang gana umasa sa pera. Ang bilis na nga maubos, ang tagal pa mapalitan.

Nakakawalang gana mawalan ng gana kasi maikli lang ang buhay. Sayang naman kung di pa ko gaganahang mamuhay ng walang kaalitan; mamuhay ng naglalakad sa katotohanan; mamuhay ng may sipag at tiyaga; mamuhay ng nagpapatawad, malaya sa sakit at pait ng nakaraan; mamuhay ng laging nagpapasalamat; mamuhay ng matapat at mamuhay ng hindi para sa pera. Diba sayang kung kung di ako gaganahan mabuhay para sa KANYA? pano kung di na ko buhay bukas? Condolence nalang? Sayang naman!

Look carefully then how you walk, not as unwise but as wise, making the best use of the time, because the days are evil. Therefore do not be foolish, but understand what the will of the Lord is.
Ephesians 5:15-17 (ESV)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *