My Wedding Vow

 

Due to Public Demands.. ITO NA PO ANG AKING SINUMPAANG PANGAKO SA AKING PINAKAMAMAHAL NA MAY BAHAY ♥

Nung una kong nakita si Christian Bautista sa Gensan, ang saya-saya ko.. Kasi alam kong higit pa sa kanya ang hinanda ng Panginoon para sa akin at IKAW yun. Ibang klase talaga pag ang Panginoon ang nagbigay at nagsulat ng love story mo.. Walang sinabi ang mga koreanovela sa ganda!

Napakalaki ng bahagi mo sa buhay ko na pag nawala ka di ko na maeenjoy kumain ng california maki sa karate kid, hindi masarap ang buko juice pag di kita kahati at higit sa lahat mas masarap iulam ang isaw sa kanto namin kung sabay tayong kakain ng nakakakamay at nakataas ang paa.

I look forward to grow more in our relationship with Jesus as we love each other and our 3 children.. 10years from now tinuturuan ko na ng aeiou, babebibobu at tatetitotu ang pangatlo nating anak, habang ikaw naman ang magtuturo ng past perfect future tense sa pangalawang anak natin at chemical balancing sa atin namang panganay..ikaw na! Matalino ka e, ako na bahala sa talent portion ng mga anak natin basta ikaw sa academics ?

Sabi nga sa awiting ito; “buong bansa ay nagkakaisa, sa tuwa’t saya na aming dala, isang libo, isang tuwa, buong bansa, EAT BULAGA” Walang sinabi ang sugod bahay gang nila jose, paolo at wally, pati sina tito, vic and joey, sa ligayang dulot ng pambubuluga at panunurpresa sakin ng Dios! Ikaw ang regalong matagal kong hinintay, ipinagdasal at pinangarap. Higit ka pa sa kabuhayan showcase! Ikaw ang buhay ko! Nang ipinanganak ka sa mundong ito, higit pa sa isang libo ang tuwa at saya ko! Bilangin mo ang buhangin sa dagat.. Ganun kadami ang ligaya ko! Kung macoconvert lang sa cash ang tuwa ko mayaman na tayo!

Labis mo kong pina-ibig nang halos araw-araw mong suungin ang layo ng byahe mula Laguna-Novaliches para lang makita ang taglay kong kagandahan. Its all worth it naman diba?:)
Higit sa lahat, nahulog ang puso ko sayo lalo nang makita ko kung pano mo mahalin ang pamilya at angkan ko. Ang pakikipagtxtmate mo kay mama tuwing malungkot sya, ang pakikipag-bible study mo kay Papa dis-oras ng gabi at kung anu-anu pa ang ilan sa mga gawi mong lalong nagpapaibig sakin saiyo.

Ipinapangako kong…
Ang paghanga ko sayo ay parang welga sa kalsada, hindi matapos-tapos.
Ang paggalang ko sayo ay parang 711 at ministop. Hanggat hindi sila nagsasara hindi rin titigil ang paggalang ko sayo.
Ang pagaalaga ko sayo ay parang si Mike Enriquez, hindi kita tatantanan.
Ang serbisyo ko sayo ay parang pinamimigay na fliers sa SM, palaging libre (pero ako hahawak ng sahod mo)
Sisikapin kong ang pride ko ay maging katulad ng paborito kong palaman, ubos na.
Ang katigasan ng ulo ko ay maging katulad ng Avengers, tapos na.
Ang pagiging sumpungin ko ay maging katulad ng solar eclipse, bihirang-bihira nalang.
Ang wala sa lugar na kasungitan ko ay maging katulad ng Midyear bonus, once a year nalang.
At higit sa lahat ang sobrang kadaldalan ko ay maging katulad ng 702 DZAS , umaga, tanghali hanggang gabi.. Hahaha:)) kala mo ha?
Mapagkakatiwalaan mo ako. Ang mga sikreto mong sasabihin sakin ay parang password, tayong dalawa ang makakaalam.

Papakasal ako sayo hindi dahil sa nagkakaedad nako, hindi rin dahil sa pogi ka at lalong hindi dahil sa gusto ko lang ng honeymoon.. Nakikipagisang dibdib ako sayo ngayon (kahit wala naman talaga kong dibdib) dahil ito ang kalooban ng Panginoon. IKAW ANG KATUPARAN NG KANYANG PANGAKO. Matapos ang ilang taon ng paglalakbay at paghihintay narito nako ngayon sa land of milk and honey. IKAW ANG KANYANG LUPANG PANGAKO!

I LOVE YOU ALWAYS BABE AND I WILL ALWAYS WILL.. MWAH MWAH CHUP CHUP ?

Here’s our onsite wedding video. Enjoy!
Our Wedding Onsite Video by LoveCatz Studio

20130322-234917

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *