Mga Realizations sa Kubeta

Di ko alam kung ako lang ‘toh o gawain rin ng karamihan sa inyo. Uagli ninyo bang magdala ng smartphone o gadget sa restroom? Aminin natin, hindi naman talaga matagal o mahirap mag-poops (excuse me sa mga kumakain), sadyang aliw-aliw lang tayo sa kakatingin ng newsfeed sa facebook, kaka-window shop sa mga online shops sa instagram, kakanood ng videos sa youtube at kakalaro ng paborito nating COC at Sims. Kaya tuloy yung 5mins sa kubeta nagiging 50mins!

Dahil nanay ako, minsan ang pag-upo ko sa trono ay parang isang ‘getaway’. Parang weekend vacay na gusto kong sulitin at i-enjoy. Kumbaga eh, ang pag-ihi nalang ang tangi kong pahinga sa buong maghapon ng pagpapadede, pakikipaglaro sa mga bata, pag-aasikaso sa kanila, paglilinis at pagsisinop ng bahay, paglalaba, pagtitiklop, pagluluto at idagdag mo pa ang mga writing jobs ko. Kaya makatarungan naman siguro kung makaka-50mins ako sa restroom para magrest diba?

Pero parang naguilty ako. Feeling ko masyadong naaaksaya ang oras ko sa kaka-gadget. Feeling ko sayang ang isang oras na hindi ako productive. Kaya isang araw naging resolution ko ito..

“BAWAL ANG GADGET SA KUBETA”
Nung minsan na ginawa ko ito, may napansin ako. Habang nakaupo ako sa trono at naghihintay na bumagsak ang bomba (tabi-tabi po sa mga kumakain), bigla kong nalaman na…

Ang Green Cross Alcohol pala ay gawa sa Paranaque at ang Sunsilk Shampoo pala ay may sangkap na magnesium nitrate!
Nagkaroon ako ng chance na bilangin ang cottonbuds sa garapon, nabasa ko kung paano gamitin ang Creamsilk Conditioner, Na-enjoy kong amuy-amuyin ang PH Care Cool Wind, nagawa kong paghiwa-hiwalayin ang 3 ply ng Sanicare tissue namin at kung ano-ano pa! Marami ako biglang napagtuunan ng pansin mula ng binitawan ko ang gadget ko.

Sa sobrang hi-tech ng kapanahunan natin ngayon, marami na din tayong di napagtutuunan ng pansin..

Kailan natin huling binilang ang mga ibon na lumilipad sa ulap?  

Kailan tayo huling dumampot ng bulaklak at inamoy-amoy ito?  

Kailan mo huling kinandong ang anak mo at sinabihang mahal mo siya?   

img_5697-0

Kailan mo huling hinawakan ang kamay ng asawa mo? 

img_8949-desktop-resolution

Kailan ka huling dumalaw sa mga magulang mo para pasalubungan sila ng unan?

Kailan ka huling nakipag-bonding sa mga kaibigan mo ng walang chinecheck na newsfeed? 

img_5947

Kailan ka huling taimtim na nakipagusap sa Dios?

Kailan? Kailan mo pa gagawin ang mga bagay na mas may halaga?

Sometimes we need to disconnect so we can connect. Mahirap din pala yung laging connected sa internet kasi na-didisconnect ka sa real world. Lumilipas ang panahon, people come and go, napaka-iksi lang ng buhay. Sayang ang bawat minuto na nauubos lang sa mga bagay na walang eternal value. Ang mga naubos na oras hindi mo na maibabalik. Ang pera kapag naubos o nawala, pwedeng mapalitan at kitain ulit. Pero ang oras hindi nabibili, hindi naibabalik, hindi napapalitan.

img_5725

We only have limited time, limited strength and limited life so make sure to value the things that truly matters.

“So teach us to number our days that we may get a heart of wisdom.”

Psalm 90:12

O sya! Na-realize ko na ang mga dapat kong ma-realize. Tatayo nako dito sa trono. Masyado nakong matagal sa kubeta.

img_5730-0

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *