Meron o Wala?

Dahil sa maghapon akong naglinis, naglaba, nagsampay, nagtiklop ng mga labahin, nag-asikaso ng mga bata at nagsulat ng mga pending blogs ko kay boss, naisipan kong ilibre naman ang sarili ko ng masarap na merienda.

Ang tagal kong pinagisipan kung McDo o KFC ang kakainin ko hanggang sa sumagi sa isip ko ang Chicboy. Sa madaling salita, nawala na ang pagdadalawang isip ko at nag-decide akong kanin ang memeriendahin ko! Hahaha :))

Chicboy - Pacita Branch
Chicboy – Pacita Branch

Bitbit ang dalawang bata, nagpunta kami ng Chicboy at ito ang naging kaganapan:

Cass: Hi Miss. Isang chicharong bulaklak.
Cashier: Ay Ma’am wala po kaming chicharong bulaklak.
Cass: Ay? Sige isang chicharong chicken skin nalang (kamusta naman ang mga inoorder ko? napaka-healthy!)
Cashier: Ay Ma’am sorry po wala din kami nun.
Cass: (Medyo dismayado na) Sige isang CB6 nalang (kanin at liempo), tapos bottomless iced tea.
Cashier: Sorry po Ma’am wala na po kaming bottomless iced tea.
Cass: Sige dibale nalang, isang pineapple juice nalang. Tapos padagdag ng ensaladang mangga.
Cashier: Ma’am wala po kaming ensaladang mangga…
Cass: Seryoso? Wala din? Bakit?
Cashier: Wala po kasing alamang.
Cass: Ah okay. Sige yan nalang. (Nagpipigil ang mga bibig ko sa pag-cocomment)
Cashier: Bale P154.00 po lahat Ma’am. Pakihintay nalang po table nyo.
Cass: Magkano? P154.00? Ay sorry wala akong ganyang amount!
Cashier: Po?
Cass: Joke lang. Sige wait ko nalang sa table.

Naghintay kami sa table. Paglapag nung order ko walang suka..

 

Cass: Kuya wala yung suka na kasama nito?
Boy: Ay Ma’am, sorry po, wala po kaming deliver e.
Cass: (Napakamot nalang ng tenga ko)

Na-experience nyo na ba yan? Yung pipila kayo tapos lahat ng gusto mong orderin, wala? Nakakapikon diba? Parang gusto mong magcomment ng, ‘Nagbukas pa kayo? Magsara na kayo teh!’. Halos lahat WALA! Nakakaloka lang na may mga standees pa sila ng picture ng chicharong bulaklak, ensaladang mangga, chicken skin, bottomless iced tea tapos sa tunay na buhay wala naman talaga! Ang labo diba? Paasa lang!

 

Pero bago ako mainis kanina, napagtanto kong minsan parang ganun din ako. As a Christian, I am expected to be like Christ and to have the fruit of the Spirit.

“But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control.”
Galatians 5:22-23

Pero madalas I am caught in the act dahil para akong ‘Chicboy’ na wala lahat. Ang saklap diba? Ang labo lang because we call ourselves Christians which literally means, little Christ pero parang hindi naman. The way we think, speak, respond and react to situations is not like Christ would. We confess with our mouth that Jesus is our Lord and that we love Him, pero hindi halata sa mga buhay natin.

We claim that we are followers of Christ pero:

panay ang download natin sa torrent..
panay ang bili natin ng pirated dvds..
panay ang jaywalking natin dahil tamad tayong humanap ng tawiran at lalong tamad tayong umakyat ng overpass..
panay ang lagay natin pag nahuhuli tayo ng MMDA..
panay ang pagnanakaw natin ng oras sa opisina dahil facebook tayo ng facebook kahit hindi naman breaktime..
unfaithful sa asawa dahil may ka-chat, katext, ka-eyeball at kadate na iba..
nag-cucutting classes, nangongopya at pala-absent..
ang lumalabas sa bibig puro tsismis, trash talk, kasinungalingan at reklamo..
madamot sa forgiveness kaya bitter..

mainitin ang ulo at laging iritable..
may ginagawang milagro sa dilim kasama ang kasintahan..
suki ng playboy, FHM at kung ano-ano pang pornographic materials..
hindi ma-giveup ang mga bisyo..

“Why do you call me ‘Lord, Lord,’ and not do what I tell you?
Luke 6:46

Sa madaling salita, followers of Christ daw pero we don’t really follow Christ 100%. Half obedience is still disobedience. Ika nga e, ‘Kristiyano sa nguso pero hindi sa puso’. Ironic diba? Para tayong Chicboy na puro display at picture pero sa totoong buhay wala talaga. Puro drawing. Kwentong barbero lang.

If He is not LORD of all then He is not LORD at all. Dapat sa lahat ng bahagi ng buhay natin, Siya ang masusunod. Hindi pwedeng Siya ang masusunod sa career at finances mo pero sa love-life hindi Siya pwedeng makialam. Its all or nothing.

We should walk our talk. Hindi pwedeng doble kara. Hindi sapat na panay ang post natin ng Bible verses sa mga walls natin sa facebook at instagram pero sa buhay natin walang bakas. Iba tayo pag may nakatingin at iba rin pag may mga nakatingin. Iba tayo pag nasa bahay at iba rin pag nasa labas. Iba tayo pag ang kasama natin Christian at ba rin pag hindi.

“I therefore, a prisoner for the Lord, urge you to walk in a manner worthy of the calling to which you have been called..”
Ephesians 4:1

We are called to be the salt and light of this world. To glorify GOD in everything and in every way is our ultimate purpose. We exist to glorify GOD. Kaya naman ang fruit of the Holy Spirit ay lagi dapat available at nakikita sa mga buhay natin. Yes, hindi madali yun, but GOD’s grace will empower us to live a life pleasing to Him.

Magandang reminder ang experience ko kanina sa Chicboy (kahit medyo nagsisi ako na sana pala nag-McDo nalang ako). Kung titignan ba ng iba ang buhay ko, masasabi ba nilang meron akong fruit of the Holy Spirit? Meron bang ebidensya na anak ako ng DIOS? Meron bang bakas na taga-sunod ako ni Kristo? O wala?

Ikaw ba kamusta? Meron o wala?

img_3871

fruits-of-the-spirit-love

 

WALA talagang customer, kami lang.
WALA talagang customer, kami lang.
Satisfied naman siya kasi KFC ang kinain nya. Hahaha
Satisfied naman siya kasi KFC ang kinain nya. Hahaha
20160226_172209
Infairness, kahit medyo dissapointed ako, nag-enjoy parin kami at nakadalawang scoop ako ng kanin. Not bad for merienda! Haha (Excuse me naman sa braso at sa hulas look ko) Commendable din si Kuya na nag-assist samin, sadyang marami lang WALA sa tindahan nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *