May Liwanag ang Buhay

‘May liwanag ang buhay’. Yan ang tag-line ng Meralco. Mawalan ka na ng boyfriend wag ka lang mawalan ng ilaw! Maputulan ka na ng buhok at kuko wag ka lang maputulan ng kuryente. Napakahalaga nga naman ng silbi ng ilaw sa ating bahay at sa ating buhay. Mahirap magtrabaho at kumilos nang walang liwanag. Pakiramdam mo’y bulag ka na naglalakad sa kawalan. Kaya naman pag mayroong kuryente may liwanag ang buhay!

E pano pag nawalan ka ng ilaw dahil naputulan ka ng kuryente? Maliwanag parin ba ang buhay? OO.

Sabi nga sa Awit 109:115 “your word is a lamp to my feet and a light for my path”.

Sa aming naging sitwasyon kagabi (August 2, 2012) literal naming naging liwanag ang mga salita ng Dios sa faith journey naming mag-asawa. Hindi dumating ang inaasahan naming pera pambayad ng aming meralco bill. Hindi biro ang mapadalhan ng disconnection notice. Daig ko pa ang pakiramdam ng batang pinatawag ng kanyang principal. Hindi nagjojoke-time ang Meralco sa gagawin nilang pagpuputol kung di kami makakabayad. Labis kaming nabagabag. Bigla nalang tumulo ang aming mga luha. Parang mga batang kawawa na inagawan ng merengge. Kami’y nanalangin at binalikan ang mga pangako ng Panginoon sa Kanyang mga salita.

“God is not a man, that he should lie, nor a son of man, that he should change his mind. Does he speak and then not act? Does he promise and not fulfill?”–Numbers 23:19

Muli naming inalala ang mga kabutihang ginawa Nya sa aming buhay. Kung paano Sya naging tapat. Nagliwanag ang aming pakiramdam. We were once again assured that God’s hand is not too short not to provide. He who has called us and started a good work in us is able to complete it until He comes. He will supply ALL our needs and that includes our electricity! That is the promise of His loving word. His word and presence comforted us and lit our way.

Maganda ang fireworks display pag madilim! Kung magdidilim man ang aming paligid aabangan namin ang napakagandang power display na papasabugin ng Panginoon! Mas malupit pa yun sa fireworks display! Ito ang perfect time to rely not on our own strength but in His power and sovereignty!

Ang liwanag na dulot ng Kanyang salita kailanman di mapupundi, di mauubos, libre at higit sa lahat di mapuputol. Sa kahit anung panahon at sitwasyon ng aming buhay alam namin patuloy na magliliwanag ang Kanyang salita sa aming bahay at sa aming buhay! Dahil dyan may tunay na liwanag ang buhay!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *