Makalaglag Bagang Iyak

Naomi Faith - 1 year old
Naomi Faith – 1 year old
Tabitha Hope - 4 months old
Tabitha Hope – 4 months old

Puro picture perfect ng mga chikiting ko ang nakikita nyo sa facebook at instagram ko. Sino nga ba namang Nanay ang magpopost ng picture ng anak nilang may ’S’? Hahaha Kaya naman ang madalas nyo lang makita ay ang mga matatamis nilang mga ngiti at bungisngis nilang personality. Well, most of the the time ganun naman talaga sila, masayahin at palangiti. Pero syempre hindi naman palaging ganun. Anu yun model?

Lately, halos walang humpay ang pagiyak ni Hope. Yung iyak na nanunuot hanggang sa kasuluk-sulukan ng eardrums mo; iyak na malakas pa sa busina ng ten-wheeler truck; iyak na makalaglag baga. Para sa mga Nanay na may sanggol, alam kong gets na gets ninyo ang intensity ng iyak na sinasabi ko. BUT WAIT THERE’S MORE! Minsan ‘crying in tandem’ pa sila! Magkaibang tono, pero pareho ng decibel!

img_5699
Expectation VS Reality

Pinalitan ko na ang diaper, tinignan ko kung may rashes, wala naman, naiyak pa rin. Pinag-warm-bath ko na para mapreskuhan, naiyak parin. Pinadapa ko na para maka-dighay, naiyak parin. Pinadede ko na, naiyak parin. Hanggang sa ako na ang naiyak sa pagod at puyat.

Tulala akong nakatitig sa kanya habang sya’y umiiyak. Imbis na mainis at maburyo, nakita ko ang helplessness sa mukha nya. Binuhat ko sya, niyakap at hinele. Parang magic na biglang huminto ang pag-ngawa nya. Kung baga sa karagatan na binabagyo, biglang kumalma na parang walang nangyari. Wala pala syang ibang kailangan o gusto kundi ang buhatin ko sya, yakapin at i-hele.

I am impressed and amazed na ganun ka-persistent ang mga baby when it comes to communicating their needs. Talagang hindi sila hihinto sa pag-iyak at pagtawag sayo hangga’t hindi mo naibibigay ang gusto nila. Most of the time they don’t need toys, food or other stuffs. They want us— our caress, our attention, our presence.

Natanong ko lang ang sarili ko.. Gaano ako ka-persistent when I am in need of God’s presence? Paano ako umiiyak at tumatawag sa Kanya to call His attention? Gaano ako ka-clingy sa Kanya? There are times that I don’t want anything (material blessing, answered prayers, etc.) but His presence. I can imagine myself na binubuhat Niya at hinehele.

Whenever I feel tired and stressed out, gusto ko lang maglambing at kumandong sa lap Nya. I wanna rest in His presence. Yun bang makatulog ako sa arms Niya habang yakap Niya ako. Ang sarap ng feeling diba? Yung minsan wagas pa ang paghilik ko at tulo-laway pa habang namamahinga sa balikat Niya. Minsan akala ko when I do the things that I like and enjoy (window shopping, reading, writing, sleeping, etc) mapapawi na ang kapaguran ko but I’m wrong. Sa Kanya ko lang natatagpuan ang totoong rest na hinahanap ko.

When I read His word, when I talk to Him, when I reflect of His goodness and faithfulness, when I’m pondering and counting His promises and when I’m on my knees, that’s when I find rest. He is true to His word when He said,

“Come to Me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest.” 

Matthew 11:28

When I am in His presence, I have everything that I need. I could not ask for more. 

Kaya next time na makalaglag-baga na ang iyak mo dahil sa pagod, sa hirap ng buhay, sa dami ng pagsubok, sa dami ng disappointments and unmet expectations, sa dami ng alalahanin at kung ano-ano pa.. Alam mo na kung sino ang dapat mong tawagin at kung kanino ka dapat magpakarga. Actually, madali lang maglambing kay Lord. ?

dsc09028-desktop-resolution

img_3866

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *