Lifestyle Check

May aaminin ako sa inyo. Hindi ako pintasera pero ugali ko noon na pansinin ang itsura ng mga nakikita ko, katulad ng mga hairtstyle na di ko maunawaan, mga pormang ang sakit sa mata, mga kilos na ang sakit sa bangs at kung ano-ano pa. Para sakin nakakaaliw ang palihim na pagpuna sa lahat ng nakikita ko. Kilala ako ng mga malalapit kong kaibigan sa ugali kong ito. Para mas maintindihan nyo ako ito ang sample:

DISCLAIMER:
Ganito ako noon. Hindi na ngayon. ?

Nakakakita ko ng babaeng buhaghag ang buhok:
“Ilang industrial fan ang nakatutok sayo kanina teh?”

Nakakakita ko ng guwardiyang masikip ang uniform, kakanta ako ng…
“Bulilit, bulilit, ang sikip-sikip, kung kumilos, kumilos, ang liit-liit!” (Jingle ito ng isang commercial, Camella homes ata kung hindi ako nagkakamali)

Nakakita ako ng babaeng naka-stripes na blue and green top , sabay bulaklakin na yellow and red ang pants:
“Nahilo ko sa suot mo teh. Makabili nga ng bonamin.”

Nakakita ko ng teenager na naka-school uniform tapos naka-scarf tapos pawisan:
“Mainit ba? Scarf ka pa! Suot ka na rin ng boots para mas mainit.”

Yan at marami pang iba! Ang hilig mag-comment ng bibig ko sa lahat ng nakikita ng mata ko. Hindi ito alam ng biktima ko. Usually binubulong ko lang ito sa sarili ko o kaya nama’y binubulong ko sa kasama ko. Nakakahiya mang aminin pero naging ganito ako noon. Alam kong hindi magandang ugali ito kaya pinaglalabanan ko ang struggle na ito.

Naalala ko nung dumalaw ang grupo ko (PRASIA) sa Macau para mag-minister sa mga kababayan natin doon, may babaeng sumakay ng bus na buhaghag ang buhok. Dahil nga sa pinipilit kong magbagong-buhay na (Wow! Christian!), hindi ko ito pinansin, ‘No Comment’ ako at napangiti na lamang. Kinagabihan, sa bahay na binisita namin kung saan kami ay naimbitahan kumanta, nakita namin ang babaeng nakasabay namin sa bus nung umaga! Yes! yung babaeng buhaghag ang buhok! Naku! laking pasalamat ko talaga na wala akong comment na naibulong nung umaga! Biruin mo? Kung napa-comment ako at napatawa sa buhaghag na buhok ni Ate, tingin nyo makakapag-minister pa ko sa kanya nung gabi? Makikinig pa kaya sya sakin? Malamang hindi! Kahit gaano pa kaganda ang testimony na i-share ko o kahit gaano pa kaganda ang boses at kanta ko, wa epek yun sa kanya! Baka mag-walk out pa nga sya sa asar nya sakin! Isa itong malaking LIFESTYLE CHECK sakin.

Madalas magaling lang tayo magsalita na ‘wag ka ganun’, ‘wag ka ganyan’, pero di naman makita sa mga kilos natin. Madalas parang ang runong-runong natin dahil sa dami ng bible verses at bible stories na alam natin. Nakikita tayo ng mga tao na magaling mag-lead ng worship, magaling mag-pray in public, magaling magturo sa bible study at magaling sa lahat pero ang lifestyle natin bulok. Sino tayo pag walang nakatingin at nakakarinig satin? Ano ang totoong laman ng puso at utak natin? Sino tayo ‘offstage’? Sino ka pag wala ng ‘spotlight’ at ‘camera’?

Usong-uso ang salitang ‘lifestyle check’ ngayon dahil sa mga pulitikong nakakapagtaka ang taglay na angking yaman. Sinisilip ang mga bank accounts nila, ang mga credit cards na gamit nila; tinitignan din kung saang restaurant sila kumakain, anung mga binibili nila at kung anu-ano pa. Sa pamamagitan nito, lumalabas kung anung klaseng pamumuhay meron sila. Eh kung tayong mga Kristiyano ang i-lifestyle check? ano kaya ang makikita satin? may tinatago ba tayong kasalanan? Ano tayo pag monday to saturday? sino tayo sa bahay? Pag tinanong ang nanay, kapatid o asawa natin, anung masasabi nila tungkol satin? Maaaring maganda ang lumalabas sa ating mga bibig at maganda ang panlabas na image natin. Pero ano tayo sa tunay na buhay? sa mga unguarded moments natin? Pag sinilip ng Dios ang puso at utak natin, anung makikita Nya? Maaaring makalusot tayo sa tao, pero sa Dios wala tayong lusot. Lahat ay ipagsusulit natin sa Kanya.

And no creature is hidden from his sight, but all are naked and exposed to the eyes of him to whom we must give account.
Hebrews 4:13 ESV

Wag na nating hintaying ma-lifestyle check pa tayo ng iba. Itong moment na ito ang perfect time para i-lifestyle check natin ang ating mga sarili. Walk your talk. Practice what you preach. Let’s lead people to Christ not just with our mouths but with our own lives.

img_2982

img_3956

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *