Kapalarang Nakakalurkey

Bago matapos ang buwan ng January, nais ko kayong batiin ng tumataginting na Happy New Year!!! At dahil dyan, nais mo bang malaman ang kapalaran mo ngayong 2017? Ito na ang pagkakataon mo!

 

JANUARY: Mapapansin ng crush mo ang limang kutong gumagapang sa noo mo.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 5

FEBRUARY: May manlilibre sayo ng Milk Tea at palitaw.

Lucky Color: Dirty White

Lucky Number: 1

MARCH: Magkakaroon ka ng bagong gadget—Nokia 5110.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 10

APRIL: Maiinlove ka sa taong kinaaasaran mo kaya lang siya naman ang asar sayo.

Lucky Color: Colorless

Lucky Number: 2

MAY: Makakapulot ka ng nail cutter.

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 0

JUNE: Darating na ang matagal mong hinihintay—Tren sa MRT.

Lucky Color: White

Lucky Number: 60

JULY: Mas tataba ka pa at dadami ang bilbil mo.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 29

AUGUST: May magpaparamdam sayo… kaluluwa ng namatay mong aso.

Lucky Color: Batik

Lucky Number: 3

SEPTEMBER: May surpresang naghihintay sayo mula sa mga kaaway mo.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 13

OCTOBER: Tataas na ang grade mo sa GMRC.

Lucky Color: Dark Black

Lucky Number: 76

NOVEMBER: Kung maliit ka lang, good news, madadagdagan ng 1 inch ang height mo. Bad news, kung matangkad ka na, mababawasan ka naman ng 1 inch.

Lucky Color: Magenta

Lucky Number: 1/2

DECEMBER: Ma-rerealize mong pinaglololoko ka lang ng mga zodiac sign na ito.

Lucky Color: ROYGVIB

Lucky Number: 12

Kung ito ang kapalaran mo ngayong taon, matatangap mo ba? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong umaasa at naniniwala sa kapalarang mula sa pwesto ng mga bituin sa langit (zodiac sign). Sure ka? Ayaw mong dun nalang umasa at maniwala sa Dios na gumawa ng mga bituin?

“So do not listen to your prophets or to those who claim to predict the future by divination, by dreams, by consulting the dead, or by practicing magic.” — Jeremiah 27:9

It’s an insult to the One who created us and the One who holds our future kung iaasa lang natin ang ating kapalaran sa mga hula-hula ng tao na wala namang kabuluhan at basehan.

Huwag tayong magpalinlang at magpagoyo. Nagkalat sila sa internet, sa dyaryo, sa kalsada at kung saan-saan pa.

“For the LORD God of Israel who rules over all says, ‘Do not let the prophets or those among you who claim to be able to predict the future by divination deceive you. And do not pay any attention to the dreams that you are encouraging them to dream.” —Jeremiah 29:8

Ipagkatiwala mo ang buhay mo sa Kanya na lumikha ng langit at lupa. Sa Kanya na lumikha sayo at sa akin. Basahin mo ang Kanyang salita at yun ang paniwalaan at panghawakan mo.
Tanging Siya ang nakakaalam ng kapalaran at future mo. Nasa sinapupunan ka palang ng Nanay mo, kilalang kilala ka na Niya. He’s familiar with all your ways. Kahit ang bilang ng buhok mo alam Niya!

“I knew you before I formed you in your mother’s womb. Before you were born I set you apart..” —Jeremiah 1:5

Alam na alam Niya ang plano Niya sayo. Hindi hula. Sure na sure! Hindi na kailangan ng mga lucky color, lucky number at lucky charms para gumanda ang buhay mo! Kayang-kaya Niyang ibigay ang napakagandang future na inaasam mo. 

“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” — Jeremiah 29:11

Yan ay kung hahayaan mong Siya ang humawak at masunod sa buhay mo. Pangako Niya yan para sa mga susunod sa Kanya. Sa Kanya ka kumunsulta at hindi sa bolang crystal. Sa Kanya ka tumingin at hindi sa mga zodiac sign sa dyaryo, sa langit o sa tarrot card. Si Hesus ang hanapin mo at hindi si Madam Hula.

“Then you will call upon me and come and pray to me, and I will hear you. You will seek me and find me, when you seek me with all your heart.” —Jeremiah 29:12-13

Kaya si Hesus ang hanapin mo. Siya ang iyong sundan at pagkatiwalaan, hindi ka magsisisi at lalong hindi ka malulurkey.

6bf82280725ae989e72d498635ff183f

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *