Inipit nga Halata Naman

Nuknukan ako ng daldal. Alam yan ng asawa ko at ng kahit sino. Very expressive din ako at animated pa nga kung magkuwento. Lagi ngang kinukwento ni Mark sa iba na ako daw yung babaeng hindi nya type noon, kasi bukod sa maingay ako, tumbling ako ng tumbling at back roll ng back roll. Ganun ako kalikot.. NOON.

Pero syempre, people change. Bukod sa nagkaka-edad na ako at nag-mamature (naks!) hindi ko narin kayang mag-tumbling dahil ang taba ko na!hahaha

Pero isa sa mga napansin ko mula ng nag-asawa ako, hindi nako ganun ka-expressive. Expressive in a sense na kapag may nararamdaman akong inis, tampo o galit, kinikimkim ko nalang lahat sa sarili ko. Dini-deal ko ito mag-isa at hindi nalang sinasabi sa asawa ko. Sa isang banda, parang maganda na rin, kasi wala ng usapan o discussion na pwede pang mauwi sa initan ng ulo, bulyawan o away. Sa madaling salita, nakakaiwas ako sa posibleng conflict.

Yun lang, parang may mali. Naipit ko nga lahat sa sarili ko ang lahat ng disappointments, tampo, inis at galit ko, halatang-halata naman lahat sa pagmumukha at aura ko. Hindi ako makangiti, ang bigat ng mga galaw ko (akala mo higante ako) at tila baga natalo ako sa sabungan (kahit di naman ako nagsasabong). Kaya naman ang madalas na tanong sakin ni Mark ay ‘okay ka lang ba?’, syempre para wala ng usapan ang sasabihin ko, ‘okay lang’. But deep inside, para akong bulkan na sasabog na.

Sa kakaipit ko ng feelings ko, isang araw, nagulat nalang ako na nabato ko sya ng kumot. Hindi ko ugaling mambato kaya medyo big deal ito. Sapul na sapul talaga sya sa bunbunan. Alam kong nasaktan sya nun, pero higit sa lahat alam kong mas nasaktan ko ang damdamin nya. Dun ko narealize na hindi rin pala maganda ang ginagawa kong pag-iipit. Baka next time na maipon ang resentment ko, yung king size bed na namin ang maibato ko sa kanya.

Darating at darating ang conflict sa kahit anong klase ng relationship. Hindi yan maiiwasan. The issue here is not the conflict itself but how you handle and resolve it. Do you handle it with wisdom, grace and maturity?

Imbis na mag-tago at mag-ipit ng feelings ito na ang ginagawa ko ngayon:

COMMENT



I let those ‘negative comments’ come out of my mouth in a nice and peaceful manner. Inuulit ko mga wifey and mommies, in a nice and peaceful manner. Huwag naman padabog, pasumbat, pasigaw o pa-sarcastic. Most of the time kasi ang pinagmumulan ng away ay yung manner of saying it. How you say things matters. Kahit pa alam mong ikaw ang tama at may point, dapat with love, grace and respect pa din.

One thing I’ve learned over the years is the sandwhich approach. Try nyo ito mga mare at pare, very effective sya. When you give your comment start with the positive, negative then end with positive again. This is how it works:


Issue: 

Lagi nalang syang matagal maligo at tumae (excuse me po!) kasi may kasama pa syang gadget sa loob.

Positive: 

(Salubungin mo sya dala ang tuwalya at pambihis nya) Alam mo love, sa halos apat na taon na pagsasama natin, never ko pang naamoy na amoy dalampasigan ka. Lagi kang mabango at amoy sariwa. Wala kang kaasim-asim sa katawan. Wala kang bakas ng kahit anong nakaka-ooffend na amoy. Samantalang ako, kung hindi amoy ginisang bawang, amoy panis na gatas naman (sabay halik sa tenga nya).

Negative: 

Kaya lang love, siguro mas maganda kung wag ka ng magdala ng ipad sa loob ng CR kasi bukod sa di mo namamalayan na tumatagal ka…

Positive: 

Namimiss kita agad… (boom panis!)

O diba? Puma-punchline! Well, kung gagawin mo itong sandwhich approach, make sure na sincere ka at hindi parang nambobola lang.

So its okay to comment or to express your feelings (kahit pa negative ito) basta in a graceful manner.

SHARE



If you don’t openly share your feelings , they will likely show up anyway in your behavior. Tulad ng ginawa kong pambabato ng kumot, baka di mo nalang mamalayan nabuhat mo na ang gasul ninyo at ibabato na sa asawa mo. Ayaw nating mangyari yun, lalo na’t mahal ang LPG at lalong mahal ang buhay ng asawa mo. Don’t assume na alam ng mga asawa natin ang lahat ng nararamdaman natin. Don’t assume na gets na gets nya ang sentimiyento natin. Yes, may nahahalata syang ‘something’ sayo pero hindi nya talaga alam kung anu yun.

Revealing our feelings lets our spouse know what is going inside us—what we are feeling and why. It also creates an atmosphere of intimacy and trust. BUT don’t share your feelings sa Facebook and other social media accounts! That’s a no, no!

We should praise in public and correct in private. If you want to correct your spouse, do it privately, pero kung may ginawa syang commendable, praise him publicly, hindi lang nakakakilig yun, nakaka-encourage din.

Kaya para sa mas matamis, mas nakakakilig, mas matibay, mas mapayapa at mas maligayang pagsasama, COMMENT and SHARE. Huwag mag-ipit, huwag magkimkim, kasi mahahalata rin.

img_3076
Wala na kaming iniipit dyan. #ngitingtagumpay

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *