In Such A Time As This

Concert. 

Solo-plays. 

Meet new people each day.

Disciple twelve women weekly.

Go around the world and preach the word. 

Lead people in worshipping the LORD. 

Teach voice class, acting workshops, and piano lessons.

Handle Seminars on Leadership.

Hold worship conferences— local or international. 

Write scripts and direct musical stage plays. 

Conduct a church-choir.

I miss doing all of these things. I love doing great things for God and His kingdom. Noon pag narinig ko ang salitang ministry, itong mga bagay na ito ang pumapasok sa isip ko.

I’ve been involved in the ministry since I was a child. But I started to go full-time six years ago (APRIL 2009) with Personal Revival Asia, also known as PRASIA. Bata palang ako alam kong I will grow old and die in doing full-time ministry. Malinaw sa akin that God called me for a specific mission. Siya ang naglagay sa puso ko ng desire and passion to do all of these things and to do more great things for Him. He gave me such gift, talents and skills for a purpose. I want to do more and more.

But then, here I am…taga-hugas ng mga pinggan, taga-palengke, taga-luto, taga-laba, taga-ligpit ng mga kalat, minsan na-iihian at na-tataihan, madalas walang pahinga o siesta, walang social life, di makagala (minsan nakakapagliwaliw rin naman), maliligo nalang dapat nagmamadali pa. . .

Take note: Hindi ako nagrereklamo.

But to be honest, I came to the point that I asked God:

Lord, Ito na ba yun? 

Demoted ba ako? 

Akala ko tinawag Mo ako? 

Paano na yung passion and desires ko? Di’ po ba ikaw ang nag-lagay nito sa puso ko?

Paano na yung skills and talents na ibinigay N’yo? Magagamit ko pa ba itong mga ‘to?

Tapos Ka na po ba sa akin? 

But as time goes on, I got to know Him more and more and my relationship with Him grew and mature. He changed my perspective at marami akong natututunan. Napaka-raming realizations, teaching moments, at higit sa lahat revelation from God. Unti-unting nagiging maliwanag at malinaw sa’kin ang lahat. I am starting to love, enjoy and embrace this season of my life. And whenever I look back sa mga tanong moments ko with God, I somehow feel guilty to question His timing and ways. In fact, I failed to see the beauty and the worth of my calling as of this moment.

I have been created, gifted, and trained specifically for my children, today. I am my children’s mother, for “such a time as this“ (ESTHER 4:14).

Yes! Wala tayo sa panahon ni Queen Esther at lalong hindi kasing bongga o ka-glamorosa ang role natin compared sa kanya, but we as mothers are created and are called for such a time as this.

Looking at today’s generation— napaka-gulo, napaka-sama, napaka-dumi at napaka-violent na ng mundo natin. Lahat na ata ng ‘napaka’ narararanasan na natin. Napaka-halaga ng role natin bilang asawa at ina that if we only fulfill our calling whole-heartedly and passionately, it can really make a big difference.

Maraming pwedeng gumawa ng mga ministry involvements ko before, pero walang ibang pwedeng pumalit at maging ina sa mga anak ko. Walang pwedeng pumalit sa role ko bilang asawa ni Mark. AKO LANGWala ng iba.

Tayong mga asawa at ina ang ilaw ng ating mga tahanan. It is our role and calling to protect, nurture, support and take care of our family.

Alam ko’ng minsan, we desire to do something grand and extravagant for God. Yung papalak-pakan tayo ng maraming tao; hahangaan sa Facebook, Instagram at Twitter; yung nanaisin din ng ibang mga nanay at kababaihan na tularan ang mga ginagawa natin… Pero ang tunay na laban ay nasa sa loob ng ating mga tahanan. We are at war and we need to fight for what matters the most. Pag pinabayaan natin ang pamilyang pinagkatiwala sa’tin ng Diyos, at lumaki ang ating mga anak na walang takot sa Kanya, mali ang values and walang conviction, walang relationship sa Panginoon— Isang araw, haharap tayo at mananagot sa Kaniya.

Aanhin mo ang rurok ng tagumpay sa ministry mo sa labas kung ang sarili mong pamilya ay papunta sa kawalan? Our family is our first and most important ministry. Our validation for outside ministry. If we are not a blessing and are not effective in our own homes, are you expecting na magiging effective ka sa church o sa community mo? No!

We are called to be here for our families— support our husbands and save our marriages; To nurture our kids and save our children— which in turn in turn save lives, churches, our own nation and soon, our world.

Everything starts in the home.

As I continue to live my life as a wife to Mark and a mother to our children, I will diligently and passionately pursue this because it’s my calling, this is my ministry— and it’s all worth it. Hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na anong trabaho or professsion sa mundong ito.

Thank you LORD for calling me in such a time as this! 

More than just being a mom to my daughter, Faith. It is my responsibility to secure her and make her understand that I am also her closest buddy, teacher, and mentor. Now, I am carrying another daughter, Hope.
Mark will always be my best-friend and life-time partner. He is my mentor and my leader, my knight-in-shinning-armor, and my everything in this limited life here on earth.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *