I’m Not Raising Girls

Aliw na aliw akong panoorin ang panganay kong anak na si Faith kapag naglalaro sya mag-isa. Nahihiligan nya ang binili naming lutu-lutuan. Yung mga wooden letters sa puzzle, hahaluin nya kasama ng mga maliliit na plastic shapes and numbers at voila! Meron na syang sinigang na shapes and letters!

img_5669

Pagkatapos niyang haluin yun, isusubo nya sa akin ang niluto nya. Isusubo din niya yun kay Tweety, Bunny, Momom (her giant teddy bear), Elmo, Cookie Monster, Hello Kitty at kay Pinky (her favorite pillow bear).

img_5665

O di’ba? Very hospitable at mapagbigay! But wait there’s more! Because she always see me breastfeeding her younger sister Hope, napansin kong minsan, she does the same to the whole gang (Tweety, Bunny, Momom, Elmo, Cookie Monster, Hello Kitty at Pinky)! Tandem feeding lang ang peg! Pati ang stuff toy nyang elepante hindi nakaligtas sa breastfeeding niya! After nga naman niya ipagluto at pakainin ang mga ito, syempre dapat may drinks!

All of a sudden, it came to me as I asked myself this question: anong klaseng ina at asawa kaya ang mga anak ko in the future?
Before we had our two daughters, Mark and I spent a lot of time dreaming about our daughters future. Mark wants them to play violin, ako naman theatre o singer; Mark wants them to be good at public speaking and writing, ako naman comedian. We dream that they will be adventurous and mountain climbers (Things we don’t do), travel the world or maybe become a missionary — at nagkasundo din kami na gusto namin silang maging ballerina.

Ilan lang iyan sa mga pangarap namin para kay Naomi Faith and Tabitha Hope. Ipinagbubuntis ko palang sila, hindi na kami magkanda-ugaga ni Mark sa kakaisip kung anong gusto namin para sa kanila.
I’m sure gets na gets nyo ang nararamdaman namin. Maybe some of us would love to see our children grow and become a Doctor, Engineer, Teacher, Architect, Soldier, Business people, Pastor, Artist, Photographer and many more. There’s a long list of dreams and there’s nothing wrong about that. Sino ba namang magulang ang di naghahangad ng maganda at mabuti para sa kanilang anak? Kung like mong maging pianista o tubero ang anak mo, why not?!

Just last week as our children are resting, I opened my Bible and read this verse that made me think about our two daughters’ future.
Proverbs 31:10 says,

“A wife of noble character who can find? She is worth far more than rubies.”


I looked at them for a minute and I realized that one day mag-aasawa sila (wow ang aga! E nadede pa nga sila sakin!haha) at magiging Ina rin katulad ko.

Natanong ko tuloy ang sarili ko— Anong klaseng mga asawang babae at nanay kaya ang ma-reraise ko? Makapag-raise kaya ako ng asawang maasikaso, loving, submissive, masarap magluto, responsable, mahaba ang pasensya, matiisin, matiyaga, maalaga sa mga anak, masipag, punong-puno ng karunungan, gentle, gracious, generous at credible? Most importantly, will I be able to raise a woman who honors God? A woman that spends time in the Word of God everyday and draws her morals, values, and standard from God. A woman defined by God according to the Scriptures. A woman with a strong conviction and who is not easily compromised by the system of the world. Will I be able to raise such women?

Wow! Bigatin naman pala talaga ang role ko sa buhay ng mga batang ito. Lalo kong niyakap ang calling ko bilang kanilang ina.

I am not raising girls nor professionals, I am actually raising excellent wives, devoted mothers and world changers!

Hindi natatapos sa pagpapaligo, pagpapakain, pagpapalit ng diaper ang responsibility ko bilang kanilang Ina. Hindi sapat na inaasikaso at inaalagaan ko sila para masabi kong nagagampanan ko ang tungkulin ko. It is very important that I teach them the Bible, nurture their relationship with Jesus as early as now, mold their values and characters and make them christ-like.


I am not raising daughters — I am raising up history makers and women of God.

img_5231-0

Can you imagine, what if every parent right now would contemplate on such thing? What future awaits us? Anong klaseng mga mamamayan meron ang bansang Pilipinas? Anong klaseng mundo meron tayo ngayon? Everything starts in our own homes — on our own families. God-fearing men and women doesn’t happen overnight. Kumbaga sa mga coral reefs, it really takes years bago mabuo. Kaya naman as early as now we should seriously take our roles as mothers and fathers. Sa atin nakasalalay kung anong klaseng standard, values, belief system and character mayroon sila.

It is good to have dreams for our children but it is important and more valuable to raise men and women who fears and honors God—men and women of noble characters.

My eldest— Naomi Faith L. Brion 18 months old
My eldest— Naomi Faith L. Brion 18 months old

 

 

 

img_5562
My youngest— Tabitha Hope L. Brion 1 month old

 

my favorite mondates :)
my favorite mondates 🙂

 

Mark was invited to speak at a Youth Conference in CCT Tagaytay
Mark was invited to speak at a Youth Conference in CCT Tagaytay
Mark was invited to speak at a Youth Conference in CCT Tagaytay
Mark was invited to speak at a Youth Conference in CCT Tagaytay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *