High FIVE!

Five Action Steps for a Thriving Relationship

Nasubukan mo na bang makipag-apir sa pader? E yung humigh-five sa hangin? I’m sure never nyo pa natry yun! Laging kailangan ng dalawang tao para maganap ang tinatawag na high five!

5 years na kaming kasal ni Mark ngayon! And yes! Nag-effort talaga kaming DALAWA para umabot kami sa 5th Year Anniversary namin. Kaya naman hanggang langit ang bilib ko sa mga mag-asawang mas matagal pa sa amin. Kasi naman ang mga marriages ngayon parang…

disposable diapers…hindi tumatagal.
noodles…instant.
mainit na takoyaki… iluluwa pag napaso.
corned beef… may expiration.

Nakakalungkot at nakakatakot.

Kung kailan papalapit na ang anniversary namin at tska pa kami nagka-cold war. Sa dami ng kaganapan sa aming mga buhay (transitions, dalawang bagets, workloads and more) pareho na kaming haggardo verzosa.

Totoo nga, walang exempted sa mga ganitong pagsubok. Yung mga akala nyong sweet-sweetan sa tv, sa facebook at sa instagram, may mga kanya-kanyang pinagdadaanan at battles na pinaglalabanan din ang mga yan. It’s only by His grace kung bakit nananatili tayong nakatayo.

At dahil nagkabati na kami, I just want to share with you my five action steps para sa relationship na thriving and not just surviving:

1. HIWALAYAN SHOULD NEVER BE AN OPTION
Kahit gaano katindi ang conflict namin never naming inentertain sa thought namin ang maghiwalay. Over my dead body bago kami magkahiwalay! As in not even a hint ng hiwalay. Ibig sabihin kahit bad trip kami sa isat isa, hindi kami natutulog ng magkahiwalay, sabay parin kaming kumakain, etc. Kapag kasi nag-entertain kami ng hint ng hiwalay, baka masanay at maging comfortable kami. Bukod pa dun Baka mas lalong tumagal ang Cold War namin.

2. HUMINGA SA TAMANG TAO
Hindi maiiwasan na magkwento (lalo na tayong mga babae). Lalo na kung sasabog ka na at kailangan mo talaga ng outlet. But make sure that you are confiding to someone na hindi ka susulsulan o gagatungan. That someone should help you unload at the same time help you realize what you need to realize. Huwag na huwag tayong hihingi sa facebook! Please lang.

3. SEE THE GOLD RATHER THAN THE DIRT
Most of the time naka-focus at nakatingin tayo dun sa offense nya, sa kapinstasan nya, sa mga pagkukulang nya at sa kung ano-ano pang negative. Why not dig in to find the gold? Balikan mo yung mga magagandang memories, yung mga magagandang bagay na ginagawa at ginagawa niya sayo, yung mga magagandang katangian niya. Meron yan, impossibleng wala.

4. LUNUKIN ANG PRIDE AT SUMIGAW NG DARNA
Mahirap maging selfless lalo na kung ang ka partner mo ay selfish. Pero dapat bang naka-depende ang pagiging selfless mo sa kung selfless si partner o hindi? One way of being selfless is by swallowing your pride. You’re giving up your rights and you give way din para lang magkaayos kayo. At the end of the day mapapatanong ka din, sino ba mas mahalaga? Yung pride mo o yung asawa mo?

5. GO BACK TO GOD
Dito talaga ko napuruhan e. Masama ang ugali ko at mali-mali ang choices ko dahil hindi naman ako connected kay Lord. Napabayaan ko yung pinakamahalahagang relationship na dapat kong ni-nunurture. Kaya naman di nakakapagtaka na para akong si Ursula these last few days. When we have an intimate and growing relationship with Jesus, everything else will follow. I’m not saying na wala ng conflict, challenges and tampuhan pero syempre siguradong may wisdom ang lahat ng reactions and choices natin.

“Every relationship problem is a god-problem”
–Francis Chan

Marriage is hard work. But our works will be in vain if Jesus is not our first love. Our love for Him will surely reflect in our marriages. Kung hindi Siya ang nasa sentro ng marriage natin at ng buhay natin, mapapagod lang tayo sa kaka-effort. Kapag hindi maayos ang relationship natin sa Kanya, why would we expect na magiging maayos ang marriage natin?

Maybe some of you ay taas na ang dalawang kamay dahil give up  na. Feeling mo you’ve done everything to save your marriage pero parang dead end na. Don’t give up. Taas mo ang dalawang kamay mo sa Dios. Sa Kanya ka sumuko. May mga bagay na talagang di na natin control but one thing is for sure, anu pa man yan, siguradong ang Dios may control dyan.

At para naman sa mga going strong and sweeter day by day , congratulations! High five!

Sa lalaking nagpa-realize sakin ng mga bagay na ito, Happy 31st Birthday and Happy 5th Anniversary to us. Mas mahal kita ngayon kaysa kahapon at mas mamahalin pa kita bukas.

7 thoughts on “High FIVE!”

  1. Yes, true lahat though guilty ako sa #1 kasi naisip ko sya ng mga panahon na nagka-ppd ako at umabot pa sa point na nagtaning ako sa relasyon nmin magAsawa na hanggang 5yrs Lang..na suko na ko pag di pa din nagbago..but now, ok na ko..5yrs na din kami sa anniversary namin sa Dec.. 🙂

    1. Most of the time lang talaga kailangan Lang natin palipasin ang mga season na ang gulong hormones natin. Haha happy Anniversary sa inyo!!!!! High five!!!! Praying na umabot kayo ng super tagal!!! ❤️

  2. hi ms. D !!! rather mrs. selfless…don’t usually comment on anything unrelated to my life journey…this one just hit d jackpot !!!!…not only you’re a smarty pants you’re also isang tunay na DARNA !!!…lipad pa more ? keep loving each other kahit may disagreement…it will pass… journey continues ?

    1. Wow! Naka-jackpot ako! Haha thanks Ate Vanj! Really appreciate your words of affirmation and yes! #lovepamore regardless of the differences and conflicts 🙂

  3. Hi Cass, congratulations to you! Ang hirap maging misis ano? Hindi talaga biro ang pag-aalaga sa ating mga mister. Agree ako sa lahat ng naisulat mo. Ako rin 22 years nang sumisigaw ng Darna kasabay ng pagsigaw ko sa pangalan ng Panginoon na tulungan Niya ako maging mabuting misis sa mister ko. Nawa ay lumago pa and marriage niyo ni Mark. God bless you both with many more years to come. #mayforevertalaga

    1. Wow naman!!!! 22 years!!!! Grabe! Marami pa kong kakaining Kanin at bacon! Haha Buti nalang talaga at unli ang grace ni Lord for all of us. Kaya naman ang parang imposible ay nagiging posible ❤️ pwede talaga magkaroon ng #forever kung si LORD ang paghuhugutan natin ng love ❤️ Thank you so much Ate Michelle! Looking forward na talaga ako sa ating pagtatagpo! ?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *