Hard To Get

“So anu naman ngayon kung single ako?” 

Yan ang sagot ko sa mga taong parang ngayon lang nakakita ng single. Pag single ka, para kang endangered species, lalo na kung napapaligiran ka ng mga taong may side-car, I mean may ka-relasyon, may boyfriend/girlfriend. Takang-takang sila sapagkat hindi naman sa pagmamayabang nilikha naman ako ng Dios ng may taglay na kagandahan. Tama? Sabi nga ng isang kaibigan, ‘Kung maganda ka, e bakit wala kang boyfriend?’ Aba’y di naman porket maganda ka e DAPAT may boyfriend ka!

Maraming dapat i-consider bago pumasok sa isang relasyon, sa pagkat para sa akin ang pakikipag-boyfriend ay pag-aasawa. Para sa akin ang direksyon ng pakikipagrelasyon ay pag-aasawa. Kaya hindi ako makikipagrelasyon sa lalaking wala akong balak pakasalan balang araw at lalong hindi ako sasabak sa pakikipag-boyfriend nang di pa ko handang mag-asawa, sapagkat ang pakikipagrelasyon ay hindi parang fishball na isusubo na iluluwa mo pag ika’y napaso!

Hindi ako basta-basta nakukuha sa sandamakmak na tsokolate at pulang rosas pero syempre tatanggapin ko yan ng buong giliw; kinikilig ako sa mga matatamis na pangako at pananalita pero hindi parin ako OO-o; kahit paloadan mo ko P80 unli for 5 days di mo parin makukuha ang matamis kong OO; kahit pogi ka at hawig mo si Dingdong Dantes sorry hindi lang pogi ang hanap ko; sukdulang masungkit mo ang bituin, buwan, araw, solar system, galaxy at milky way para sakin, sorry di ko matatanggap yan dahil di ko rin alam kung san ko yan ilalagay!

Minsan nakong nasaktan at nagkamali sa larangan ng pag-ibig ngunit marami akong natutunan, mas minahal ko ang Dios higit sa sino pa man, mas tumatag ako, mas nag-mature and I became a better person after ng madugong nakaraan at nagpapasalamat ako sa Dios for restoring me and for not wasting my pain. Kaya sabi ko sarili ko, sa susunod na makikipagrelasyon ako magtatago ako sa likod ng Dios para kung sino man ang lalaking nilikha Nya para sa akin ay hanapin muna ang Dios bago Nya ko makita! Mas HARD TO GET na ko ngayon!

Ito ang prinsipyo at kwentong aking naikwento higit pa sa dalwamput-walong pagkakataon! Kwentong ginamit ng Dios para magising ang mga kabataan sa katotohanang may hinahandang napakagandang plano ang Dios para sa kanila, maghintay lamang sila. Kwentong tumimo sa kanilang mga puso. Kwentong bumago sa kanilang pananaw sa pakikipag-relasyon. Kwentong nagdala sa kanila upang tumalikod sa nakasanayan na nilang kalakaran; Kwentong naghatid sa kanila papalapit sa Dios.

Na-realize din nilang ang kanilang mga puri ay dapat na mas HARD TO GET din! Hindi dapat ito binibigay kung kani-kanino kahit ito pa’y uso, kahit pa 8years na kayo ng bf/gf mo, HUWAG pa rin! Dapat itong ibaon muna sa lupa at iregalo sa asawang ipagkakaloob sayo ng Dios AFTER ng reception ng inyong kasal. Napakaganda at napakapambihira ng plano ng LORD sa ating lahat para lang mabelawala dahil sa pagmamadali. Huwag magmadali kung wala ka namang lakad.

Let’s embrace God’s standard of holiness and purity. Ladies and Gentlemen, HARD TO GET ka ba?:)

#SpeechKoNungAko’yDalagaPa:) 2010

HARD TO GET by PRASIA

20130314-221126

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *