FREE 1 MONTH MEAL PLAN MGA INAYS!

Aaminin ko na sa inyo. Isa sa mga pinagmumulan ng pagkastress ko ay kung ano ang kakainin namin sa araw-araw. Sa dami ng pwedeng kainin, lutuin at ihanda, feeling ko nauubusan parin ako.

Pero hindi lang ang pag-iisip ng menu ang challenging. Syempre bilang Nanay, kailangan healthy ang pinapakain mo sa pamilya mo. Hindi pwedeng puro delata at hotdog! At lalong hindi pwde na puro kain sa labas at drive thru! Bukod sa consideration mo kung healthy ba ang pinapakain mo, i-coconsider mo din ang budget mo. Sa panahon ngayon na napakahirap kumita ng pera, totoo parin talaga na bawat piso ay mahalaga.

Dumating ako sa point na tamad na tamad na ko magluto. Maisip ko palang kung anong kakainin namin napapagod nako. I’m a work at home mom plus I support my husband sa full-time ministry plus we are starting a publishing company/business plus I have two very energetic toodlers! Daming plus diba? Hahaha

Kaya naging complacent ako sa pagdating sa kung anong kinakain namin. Puro baboy, delata at processed food ang hinahain ko kasi yun ang madaling ihanda. Hanggang sa nung nag-Bacolod kami, sumama ang pakiramdam ni Mark. Yung tipong feeling niya uuwi na siya sa langit. Haha Seryoso, nakakatakot! Biyuda agad ang peg ko??? E syempre nakakawindang yun. Hindi healthy ang lifestyle at diet namin kaya meron siyang mga kakaibang nararamdaman sa katawan niya.

Dahil sa gusto pa namin makita at mayakap ang apo ng mga anak namin, nag-resolve kami na pag-uwi ng Manila, babaguhin na namin ang diet at lifestyle namin. Mahirap pero kailangang disiplinahin namin ang mga sarili namin (pati ang mga anak namin) kung gusto naming humaba pa ang aming mga buhay.

Hindi kami mayaman (mukha lang!haha). Habang lumalaki ang aming pamilya, lalo kong na-aappreciate ang bawat singko! Haha Naniniwala nako sa laging sinasabi ng Nanay ko noon na hindi tinatae ang pera (excuse me sa mga kumakain).

Alam kong hindi ako nag-iisa at maraming nakaka-relate sakin na mga Nanay. Kaya naman, gusto kong i-share sa inyo ang aking Php 1,000  Challenge. Yes! pagkakasyahin ko ang Php 1,000 sa isang linggo para sa apat. Imposible? Hindi! Para ma-achieve mo ang tagumpay sa challenge na ito, isa lang ang kailangan nating gawin, MAG-PLANO.

Kapag planado na ang mga kakainin (napag-isipan at na-compute na), siguradong mas madaling mamalengke kahit hindi kalakihan ang budget.

Matutuwa kayo mga INAY dahil ishe-share ko sa inyo ang isang buwan na plano ko sa pagkain! Yes! Isang buwan! Mapapahinga mo na ang sarili mo sa kakaisip kung anong kakainin ng buong sambahayan ninyo.

Wag kayo mag-aalala kasi healthy ito, masarap at higit sa hindi masakit sa bulsa.

Bago ko ibigay sa inyo ang FREE 1 month meal plan, sasampolan ko muna kayo ng pinamalengke ko nung isang araw: (hindi kasama ang mantika, bigas at iba pa kasi meron pa kami sa bahay, so kung isasama mo ang mga yun, baka umabot ng P1,500, not bad parin!)

 

1 kilo Indian Mango P20

4 pcs Fuji Apple P40

1/4 kilo Longganisa P35

1/4 kilo Hipon P85

1/2 kilo Dalagang Bukid P90

1/2 kilo Big Dalagang Bukid P90

1/2 kilo Alimango P40

1 kilo Thigh Part (8pcs) P120

1/2 kilo Leg Part (4pcs) P60

1/2 kilo Alumahan P80

Tofu (6 pcs) P20

1 dozen eggs P48

Kangkong P8

Dahon ng sili P5

Okra 2 tali P10

1 pc Carrot P12

Kamatis isang supot P10

1 pc Papaya P10

2 pcs Sayote P14

Kalahating repolyo P12

Sibuyas isang supot P10

2 pcs Bawang P10

Tocino P55

Bangus steak P102

1/4 kilo Grapes P60

———————————————————-

TOTAL: P1,018.00

Sumobra lang ng P18. Hehe Idea lang ito mga INAY, ofcourse you can add and make some twist (especially sa breakfast, haha) depende sa bet nyo at budget nyo. Marami akong hindi nabili like bread, spread, quaker oats, milk, etc. kasi meron na sa bahay. So kung talagang isasama ko lahat for sure hindi lang P1,000 but again, lumagpas man, hindi parin kalakihan compared noon na kung ano lang maisipan at madampot ko.

Malaki talaga ang matitipid natin kapag naka-plano, may listahan at sa palengke tayo namili. First time kong mamalengke ulit sa bayan ng San Pedro, kasi laging sa palengke ng Pacita lang ako namamalengke dahil kasama ko ang dalawang bagets. Pero after ng Php 1,000 challenge na ito, decided ako na dun ako mamamlengke ulit kahit malayo.

Pero mga INAY wala tayong hindi kayang ibigay at isakripisyo lalo na’t kung sa ikabubuti ng ating mga asawa at anak. Sa totoo lang dahil dito, na-ignite yung passion ko sa pagluluto. Lagi na ako na-eexcite at higit sa lahat siguradong akong di na ulit sasakit ang batok ng asawa ko! Hahaha

So mga INAY, ito na ang pinagpuyatan at pinagpawisang 1 month meal plan ko. Para sa mga gustong makakuha ng libreng kopya mag-subscribe lang kayo dito sa baba Bes.

12 thoughts on “FREE 1 MONTH MEAL PLAN MGA INAYS!”

  1. I would like to subscribe with your 1 Mo. Meal Plan. This very helpful for me as a young mom. Thank you and God bless.

  2. Hi sis I want to have that 1 month meal plan kahit single pa ko, I want my future family healthy pagdating sa kinakain nila kasi I’m conscious pag dating sa Pagkain. Thanks Sis. sa idea mo! God bless!

  3. Hi sis! I’m still single but particular with what I eat & wants to cook for my bf, my family and my CG group. Thats why I wanf to have your 1 month meal plan. Thanks & God richly bless u and ur family.

  4. Inay, bet ko yang 1month meal plan mo..baka meron dyan na di ko pa nagagawa o naluluto.. Hehe. Thanks so much! ?

  5. I want to subscribe din inay. Paano ba? Magtitipid kame ngayon kasi daming gastos. 1year pa lang ako mahigit kasal and isa talaga sa mahirap gawin is mag plan sa kung anu kakainin. Nakakastress. Malaking tulong itong 1month meal plan mo.
    Thank you

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *