Everyday Birthday

….And because the gracious hand of my God was on me, the king granted my requests. Nehemiah 2:8b (NIV)

Anung pakiramdam kung pag gising mo sa umaga may naghihintay na buffet sayo? Pag pasok mo sa kubeta nakaready na panligo mo? Paglabas mo ng bahay may limousine na naghihintay sayo? Pagdating mo sa office may nakahandang birthday cake para sayo! Birthday mo pala! Kaya pala everything is special at pabor na pabor sayo! Ang sarap sa pakiramdam when everything is in favor of you diba? Feeling mo birthday mo lagi.

E pano pag di mo na birthday? Gigising ka at magluluto ng ginisang munggo (although masarap naman yun lalo na’t may bagoong!). Maliligo ka gamit ang sabong kasing nipis ng buhok mo. Lalabas ka ng bahay at isang oras kang magaabang ng non-aircon na bus na punuan pa! Dahil dyan halos dalawang oras kang nakatayo sa byahe. Pagdating mo ng office wala palang pasok kasi nasunog ang opisina nyo kagabi! Parang ang saklap hindi ba?

Nang napansin ng Hari ang kalungkutan sa mukha ni Nehemiah nagtanong ito kung anu ang kanyang nais. Pwede nyang sabihin na nais nyang magpunta ng Disneyland at mamasyal pero di yun ang sinabi nya. Ang kanyang hiniling ay kung anu ang nilagay na gawain ng Panginoon sa kanyang puso (v.12) at dahil dyan he found favor in the King’s sight. (v. 5-6). Talaga namang kapag na sayo ang mabiyayang kamay ng Panginoon even Kings of this world will grant your request (v. 8). Ngunit hindi dyan natatapos ang istorya. May mga kontrabida sa buhay tulad ni Sanballat at Tobiah, tulad narin nila Valentina at Medusa, isama mo narin ang lahat ng kilala mong kontrabida sa ABSCBN at GMA! Hindi lang mga tao ang maging hadlang, pwedeng kawalan ng pondo, nakakastress na officemates, etc. Hindi porket ginagawa mo na ang kalooban ng Panginoon e smooth sailing na lahat. May mga darating na pagsubok, challenges at kung anu-anu pa pero kahit pagsama-samahin sila wala silang sinabi sa kapangyarihan ng ating Panginoon na syang kasama natin. Makakaasa tayo that His gracious hand will be at work and will see us through! Mawala na ang pabor na kayang ibigay ng mundong ito wag lang ang pabor Nya na Syang gumawa ng mundong ito. Kung sapat ang biyaya Nya, sapat din ang pabor Nya.

Anung pinapagawa ng Panginoon sayo ngayon? Anung inilagay Nya sa puso mo na nais Nyang iyong gawin? Sinong mga kontrabida ang kinakaharap mo ngayon? Wag ka magaalala.. Kahit di mo birthday parang araw-araw birthday mo dahil sa pabor na ibibigay sayo ng Dios as you accomplish everything that God has placed in your heart.

Dahil dyan happy birthday!!!:)

Salamat Panginoon dahil kahit di ko birthday damang dama ko ang pabor at biyaya na nagmumula sayo. As I do everything you have placed in my heart may you find me faithful, determined, committed & passionate. As I seek your gracious loving hands i know you will be with me. Sukdulang ma-encounter ko ang sangkatutak na sanballat at tobiah, alam kong andyan sila for a purpose and to build my character.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *