Dorcas… Dorcas…

Even though I didn’t hear an audible voice calling my name, like what happened to Samuel, I knew in my heart that I was called for full-time ministry.

I was in Grade 6 when I first heard PRASIA (Personal Revival Asia) singing LIVE in my home church. I told God, “Jesus, gusto ko po maging katulad nila balang araw. Paglaki ko po gusto ko maging PRASIA!”

Then I grew up. After finishing my college degree (Bachelor in Secondary Education major in English), the time finally came for me to answer His call for full-time ministry. Ibig sabihin, I had to leave my stable job, (which is quite challenging because I support my family financially) pick up His cross and follow Him. Walang kaba, walang duda, walang pagtatanong, walang patumpik-tumpik na ako’y sumunod sa Kanyang pagkakatawag sa akin. Nag-audition ako sa PRASIA noong April 1, 2009 at gaya ng inaasahan, PASADO ako!

I’m serving with PRASIA not because this is my dream; not because of money (because we raise our own support); not because I’m good at singing and I want to flaunt it; and not because I want to ride an airplane and travel. I’m here with PRASIA to serve Him full-time because that is what I was born to do; I’m here because this is His will; I’m here to move people closer to God; I AM HERE FOR HIM AND ONLY FOR HIM.

At ngayong nasa huling bahagi na ako ng aking pang-apat na taon ng paglalakad ko sa tubig, masasabi kong sa kabila ng lahat ng challenges at struggles, IT’S ALL WORTH IT. Tapat at mabuti ang employer ko! Kasama ko S’yang naglalakad sa tubig. In my almost four years of moving people closer to GOD, this PRASIA goal eventually became my personal mission.

Sabi nga sa commercial, “WALA NG SASARAP PA, SA CENTURY TUNA.” Mali sila dun! Wala ng sasarap pa sa pakiramdam na makapaglapit ka ng mga kaluluwa sa Dios. Wala nang sasarap pa na makita ang mga buhay na nagbago; mga relasyong naayos; mga buhay na sumuko; at mga buhay na sumunod sa kalooban ng Dios. O diba? ITS ALL WORTH IT! Oo, kahit walang payslip pag kinsenas at katapusan, sapat naman ang biyaya ng Panginoon. Hindi Sya nagkulang, nagkukulang at magkukulang! Pero kung ang mga bungang ito ang kapalit? KAHIT ILANG BESES PA NIYA AKONG TAWAGIN, TUTUGON AKO!

Why obey? Why PRASIA? WHY NOT?! I have only one life, i will live it for HIM and only for HIM!

I AM BLESSED!

(This was my testimony during PRASIA’s Ministry Presentation at OMF Missions House last 2012)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *