Dito Ba? O Dito Ba?

Kakagaling mo lang ba sa break-up at nagtatanong ka kay Lord ng ‘what’s next’?

Pumasok ka ba sa bagong season ng life mo na hindi mo alam kung anong mga susunod na mangyayari?

Ikaw ba ay buryong-buryo na sa mga challenges na pinagdadaanan mo at napatanong ka na kung ano pa ang mga susunod na pagdadaanan mo?

Kakatapos mo lang ba mag-aral at nag-iisip ka kung anong direksyon ang pipiliin mo?

Nagresign ka ba sa trabaho at tinanong mo si Lord kung saan ka Niya susunod na dadalhin?

Single ka ba na hanggang ngayon ay naghihintay ng may makakasama sa habang buhay?

Lumabas ka ba from your comfort zone para alamin ang next destination na hinanda ni Lord sayo?

dollarphotoclub_57069653-1024x683

Ang hirap maglakad ng blind-folded. Maglakad ka na ng nakatakip ang ilong o kaya ang bibig, wag lang ang mata. Bakit? Kasi hindi natin makikita ang direction natin. Baka mapalubog tayo sa manhole o di kaya maka-apak ng pupu. Pero higit sa lahat, gusto nating makita kung tama ba yung lugar na pupuntahan natin.

 

Ikaw ba? Alam mo ba kung ano ang direksyon ng buhay mo? Alam mo ba kung saan ka papunta?

Dumating ako sa panahon ng buhay ko na di ko alam kung anong direction ko. Alam ko kung anong calling ko at kung anong purpose ko sa buhay pero hindi ko alam kung saan at ano ba ang specific direction ni Lord sa akin.

When Mark and I had a ministry furlough, we were almost isolated. Tila baga naglalakbay kami sa gubat at di namin alam kung hanggang kailan kami maglalakbay at kung saan ang daan papuntang kabihasnan. Nakakapagod, nakakatakot, nakakalungkot at nakaka-dissapoint. Those were the exact feelings we were feeling back then.

Abang kami ng abang sa senyas ni Lord kung saan Niya kami dadalhin pero hindi pa Siya nagpaparamdam. We have a handful of teaching moments during those season in our lives and I would like to share with you some realizations that made an impact of who we are today:

 

TAKE IT SLOW

Huwag nating madiliin si Lord. May sarili Syang timing.

Yet God has made everything beautiful for its own time. He has planted eternity in the human heart, but even so, people cannot see the whole scope of God’s work from beginning to end.

Ecclesiastes 3:11

Most of the time hindi direction ang kailangan natin, what we need is an excellent attitude. Anong klaseng ugali meron tayo kapag  matagal na tayong naghihintay? Kapag nagkakalabuan na at nalalagay tayo sa alanganin? Kapag hindi nangyayari ang mga gusto, pangarap at pinalangin natin? Kapag parang tahimik ang Dios? Minsan hindi pa tayo pinapapunta sa direction at next destination natin kasi hindi pa tayo handa at hindi pa tama ang attitude na meron tayo.

 

LET GO AND LET GOD

We should learn to let go of our own agendas and let GOD do His thing. Minsan kaya di rin natin makita ang direction na tinuturo satin ng Dios ay dahil blinded tayo ng sarili nating direction. Nagpa-plano tayo ng sarili tapos pinapa-approve natin sa Dios. Kapag ni-reject ni Lord ang proposal natin dahil meron Syang mas best at mas magandang plano, nagtatampo na tayo at nagmamaktol, kulang na lang maglupasay din tayo na parang bata. If Jesus is really the LORD of our lives, then we should forget about our own agendas and really follow His lead. Siya ang masusunod hindi tayo. Ayaw mo bang ipagkatiwala sa Dios na gumawa ng milky way at galaxy ang buhay mo? Mas gusto mo ba na sariling diskarte mo ang masunod? He knows better than we do, so let’s just leave the pen to Him and let Him write our story.

For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Jeremiah 29:11

 

TRUST EVEN WHEN YOU CANNOT SEE

When you truly love someone, you trust him/her regardless. That love motivates you to trust that person kahit minsan medyo labag sa kalooban mo. When we truly love GOD, we will trust His judgement, His ways, His timing and His will. Hindi tayo magdududa, hindi tayo magrereklamo, hindi tayo mag-cocompare, hindi tayo mawawalan ng gana at hindi tayo susuko. I remember the story of Abraham, when GOD called Him to go. Sabi ni Abraham kay LORD, ‘Show me and I will go’, pero ang sagot ni LORD sa kanya, ‘No, go and I will show you’. We can trust our unknown future to a known GOD. He is able, He is credible and He is sovereign.

Faith is the confidence that what we hope for will actually happen; it gives us assurance about things we cannot see.

Hebrews 11:1

 

FOCUS, FOCUS, FOCUS

Kung papunta ka ng Disneyland pero kulang pa ng isang libo ang fund mo, maghihintay ka bang makumpleto ang fund mo o mag-sesettle ka nalang sa perya sa bayan? I don’t think that’s a good idea. Huwag nating linlangin ang ating mga sarili sa mga thoughts na..

“Pansamantala lang naman..”

“Dito muna habang wala pa..”

“Hanggang dito nalang talaga siguro ako..”

“Subukan ko nalang muna toh..”

“Pwede na siguro ‘toh..”

Huwag ipagpalit ang ‘best’ sa ‘better’. Don’t settle for average. Hindi porket hindi pa nangyayari, hindi na mangyayari. Focus on the goal, calling, purpose and desire that GOD placed in your heart. Do not waiver, do not turn to the left or to the right. Don’t get distracted at huwag magpapadala sa emotions. Huwag tayong gagawa ng decision na siguradong pagsisisihan natin sa huli. Let’s just do our best, be excellent and fix our eyes on Jesus.

 

ENJOY!

Kahit bumaha ang luha at uhog natin kakamaktol at kakaiyak, wala itong magagawa. Let’s not dwell on the negativity. Huwag tayong maging bitter at huwag tayong magtanim ng any negative feeling. Life is too short para masayang sa mga wrong choices and negative emotions. Sa ayaw at sa gusto natin, matatapos din ang gabi at sisikat din ang araw. If we are in a difficult season, waiting season and challenging season, just choose to enjoy it! Matatapos din yan. Lilipas din yan. Darating din tayo bagong season. Makikita rin natin ang direction natin at ang destination na hinanda ng Dios para sa atin. So just sit back and relax and enjoy the ride!

 

START NOW:

  1. Diba kapag may gustong kang puntahan na hindi mo alam kung paano, nagtatanong-tanong ka? O kaya naman nag-gogoogle ka. Inaalam mo kung paano puntahan ang destination na gusto mong marating. But when it comes to your life’s direction and destination, are you intentional in asking God specific questions that’s honest and not demanding? Do you regularly communicate to the One who designed your life’s destiny? Have you really sought His will through His word? The  answer to our questions cannot be found in google, we can find it His word.
  2. How are you preparing yourself physically, emotionally, mentally and spiritually before and as you go to that specific destination/direction?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *