Boy Vs. Man

Naalala ko nung nag-aaral pa ko, mas marami lagi ang attendance ng mga babae kaysa sa mga lalake. Kakaunti na nga lang ang mga lalake, hindi mo pa mahagilap dahil ang iba sa kanila ay nag-cucutting classes! Hahaha (tabi tabi po sa mga naging kaklase kong lalake). Noon pa man, tinatanong ko na ang sarili ko.. “Asan na ang mga lalake? Anyare??”—at hanggang ngayon maraming single women ang naghahanap ng mga ‘men’, puro kasi ‘boys’ ang nakikita nila.

…Teka! Ano ba ang pinagkaiba ng pagiging BOY sa pagiging MAN? Pareho lang lalaki yun diba?

Hayaan nyong ibigay ko ang aking opinyon tungkol sa kanilang pagkakaiba. Disclaimer: Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magsusungit!

BOY:
1. Kung maglaro ng games wagas! Nakababad sa gadget ng mahigit dalawang oras, madalas buong magdamag pa. Hindi mo maistorbo, hindi na makagawa ng ibang trabaho, wari’y nagayuma na ng hawak nyang gadget. But then again, I am not saying na masama ang maglaro lalo na’t leisure and playing are important. Psychologically and truthfully speaking, too much playing is an indication of a childish behavior na hindi na dapat nakikita sa isang tunay na lalake.

2. Confident makipag-date, ang gamit namang pera ay galing sa ama’t ina. Yes, allowance mo nga pero galing parin kina Erpat at Ermat yun.

3. Pinagsasabay ang pag-aaral at pag-jojowa.. Ang resulta? Puyat, undergraduate, windang, wala sa wisyo, away dito-away doon, walang 100% committment! 50% sa pag-aaral—50% sa pakikipagrelasyon, ang bunga tuloy ay hilaw, ang masaklap pa, minsan ang bunga sanggol. God designed relationship for marriage. Nakakalungkot na sa panahon ngayon mas mabibilang natin ang broken relationships that sometimes leads to broken families.

4. Walang sariling desisyon. Walang paninindigan. Walang sariling conviction. walang stand. Go with the flow nalang!

5. 48 years mo nang ka-relasyon wala man lang balak, pahiwatig o planong pakasalan ka. Girlfriend o live-in partner lang talaga ang pakay nya sayo at hindi ‘bride or soon to be wife’.

6. Ayaw at takot sa responsibility! Simpleng paglalaba ng brief si Nanay pa rin! Laba-laba ka kuya pag may time.

7. OA ang pagiging seloso. Hindi mo malaman kung insecure o paranoid. Kulang nalang pati tindero ng binatog pagselosan pa! Wag ganun kuya, hindi pwedeng mag-merienda?

8. Nangongolekta at nagbabasa ng FHM at kung anu-anu pang malalaswang babasahin. Ang mga sex scandals ng mga artista pinapanood pa.

9. Mas ginagawa nya kung ano ang convenient sa kanya kaysa kung ano ang tama.

10. Financially stable yet irresponsible. Fix at malaki nga ang sahod, waldas naman to the max.

11. Mas madalas pa ang pagpapalit ng girlfriend kaysa sa pagpapalit ng simcard. Emotionally unstable. Pabago-bago ang isip, padalos-dalos at pabugso-bugso.

12. Masyadong maalaga at mapagmahal sa kasintahan pero sariling kapatid o magulang ni minsan hindi naibili ng J.Co o di kaya’y Dunkin Donut man lang.

13. Walang strong committment sa mga ginagawa nya at sa relationship. Hindi tumatagal sa trabaho. Pasulpot-sulpot sa church. Pala-absent or pala-cutting sa klase. May uumpisahan hindi tatapusin. Sa relationship kakausapin ka lang pag may time sya, pag wala, NGANGA ka nalang.

14. Madamot. Selfish. Balat nalang ng chicken joy pinagdadamot pa.

15. Walang integridad. Tumatawid kahit saan nya feel. Suki ng mga piratang DVD. Nangongopya. Nangongotong at naglalagay and more!

Wait lang bago ko makalimutan, pag niyaya ka nya gumawa ng milagro sa dilim na tanging mag-asawa lang ang maaaring gumawa, BOY sya! (Gets mo?)

Minsan din akong naging boy (I mean girl, naging childish din ako), natuklasan ko ang sikreto sa paglago into a man (a lady) God intended me to be! Pero bago ko sabihin ang sikreto, ito naman ang ilan sa mga tanda ng isang ‘man’.

MAN:
1. May disiplina. Balanse. Productive yet takes time to enjoy and recreate and spend time with his loved-ones.

2. Taas noo sa pakikipag-date dahil ang perang pinang-ddate ay katas ng kanyang sariling pawis at pagod sa pagtatrabaho.

3. May focus. Pinipiling magfocus muna pag-aaral para pag dumating na ang season ng pagkakaroon ng lovelife, focus na focus narin sya. Ang result? Excellence.

4. Buhay na isda! Ang patay na isda, inaanod na nalang kung saan-saang direksyon, ngunit ang buhay na isda, lumalangoy sa direksyon na nais nya, kahit pa ito’y laban sa agos. May conviction at pinaninindigan nya ito.

5. Hindi basta basta nanliligaw o pumapasok sa relationship. Ang liligawan lamang nya ay ang babaeng alam nyang ihaharap nya sa altar at magiging kabiyak habang buhay. So, hindi sya papasok sa relationship kung hindi pa sya ready magpakasal.

6. Hindi takot sa responsibility. Maasahan mo (sa bahay, sa trabaho, sa school, sa ministry, etc). May isang salita at tumutupad sa pangako simple man ito o bongga.

7. Malawak ang pagiisip. Hindi insecure at lalong hindi ma-pride. Nagtitiwala at hindi exaggerated ang pagiging seloso.. Tamang-tama lang para kiligin ang kasintahan ?

8. Hindi green minded. May paggalang sa mga babae. Ang mga jokes at ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay PG13..walang bakas ng kahalayan.

9. Kahit sya nalang ang nagiisang gumagawa ng tama, keribels parin! Hindi mo sya basta-basta madadawit sa mga kabulastugan o anomalya!

10. Hindi kalakihan ang kinikita pero nakakapag-ipon pa, nakakatulong sa kanyang mga magulang, nakakasuporta pa sa pag-aaral ng kapatid at nababayaran pa ang lahat ng kanyang financial responsibilities.

11. Faithful. Stick to one sa isip, sa salita at sa gawa. Hindi nangongolekta ng jowa or ng ex-gfs. Emotionally stable at laging may bakas ng wisdom sa bawat decision na ginagawa nya.

12. Mapagmahal at maalaga sa pamilya, sa magulang, sa mga kapatid. Kaya naman makakaasa ka na mamahalin rin nya ang magulang mo, kapatid mo at ang buong angkan mo.

13. Pambihira ang committment nya! Very dependable at mapagkakatiwalaan! Dialogue nya ang ‘hindi kita tatantanan!’, dahil once he committed himself to something, he’ll finish it whatever it takes!

14. Selfless! Kahit ang kahuli-hulihang fita biscuit sa buong mundo ay hindi nya isusubo at ibibigay sayo. Laging inuuna ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili. Makakaasa ka na mananawa ka sa balat ng napakasarap na chicken joy!

15. Sumusunod sa patakaran/batas ng tao at batas ng Dios may nakakakita man sa kanya o wala.

Nang nalalapit na ang oras ng paghimlay ni David, nagbilin sya sa kanyang anak na si Solomon at ito ang sinabi nya:

“I am about to go the way of all the earth. Be strong, and show yourself a man,” 1 Kings 2:2

Paano naman kaya maipapakita ni Solomon ang kanyang pagiging lalaki? Hindi pa ba obvious na lalaki sya sa dami ng asawa nya? Magaling sya at matalino, hindi pa ba sapat yun para maipakitang lalaki sya? Ito ang natuklasan ko..

“…and keep the charge of the Lord your God, walking in his ways and keeping his statutes, his commandments, his rules, and his testimonies, as it is written in the Law of Moses, that you may prosper in all that you do and wherever you turn…” 1 Kings 2:3-4

Ang habiling ito ni David ang nagpalakas, nagpatatag at nagpalago sa pagiging tunay na lalaki ni Solomon. Ang nakakaaliw pa dito, as you walk in obedience, and keep God’s decrees and commands you’ll grew stronger as a man at sa lahat ng gagawin mo magtatagumpay ka! As in sa lahat!

Kung ‘boy’ ka noon, it doesn’t matter.. ang mahalaga yung NGAYON. Yes, may mga wrong moves, wrong choices, wrong decisions , wrong attitude ka noon pero hindi pa huli ang lahat to grow up and be a man! Hangga’t buhay pa tayo laging may opportunity to grow! Grab that opportunity dahil di mo alam kung hanggang kailan ka mabubuhay.

20130924-231705

20130924-231835

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *