Bilugan ang Tamang Sagot

 

1. Ang sarap ng pagkakaupo mo sa maluwag na jeep nang may babaeng bagong rebond ang naupo sa harap mo. Feel na feel nya ang new hair nya, pati narin ang hanging amihan kaya naman nagkalat ang mga buhok nya sa mukha mo. Anung gagawin mo?
A. Tatabi nalang sa driver
B. Kakain ng chewing gum at ididikit sa nagmamaganda nyang buhok
C. Ilalabas ang dalang gunting at gugupitin ang lahat ng babalandra sa mukha mo
D. Kakalabitin sya at mahinahong sasabihin na nakikiliti ang mukha mo sa buhok nya

2. Bumili ka ng itlog ng pugo na nakasupot habang ika’y nasa byahe at ito’y kinain mo sa bus. Anung gagawin mo sa pinagbalatan?
A. Kung aircon ang bus ibubudbod mo ito sa sahig na para bang ito’y pataba sa lupa.
B. Kung non-aircon naman iwawaksi mo ito sa bintana kasabay ng malamig na hangin
C. Titipunin sa isang plastic at isisilid sa bulsa ng iyong bag
D. Palihim na isisiksik sa bag ng katabing mahimbing ang pagkakatulog

3. Habang ika’y namamalengke, napigtal ang suot mong tsinelas dahil ito’y naapakan ng matadero. Anung gagawin mo?
A. Magpapaa ka nalang next time para wala ng maapakan sayo
B. Aapakan mo din ang bota ng matadero hanggang sa ito’y masira din. Goodluck!
C. Susungitan sya at pagbabayarin ng danyos perwisyo
D. Ngingiti nalang at sisisihin ang murang tsinelas na nabili mo sa ukay ukay 8 years ago.

4. Di sinasadyang matapunan ng hot choco ang puting-puti mong jacket sa isang canteen ng tinderang pasmado ang kamay. Anung gagawin mo?
A. Never ka ng bibili ng hot choco buong buhay mo
B. Kukuha ka ng mainit na tubig sa water dispenser aasinan ito at sapilitang ilulublob ang pasmadong kamay ng tindera
C. Ibubuhos mo rin sa kanya ang natitirang hot choco, this time sa mukha naman nya
D. Magpapasensya ka nalang at pikit matang huhubarin ang jacket. Nakabackless ka pa naman! Sexy!

Hindi mo kailangan ng college degree, masteral, phd degree o kahit pa pedigree para masagot ang mga katanungang ito. Alam kong kayang kaya mong bilugan ang tamang sagot, ngunit hindi dun natatapos. Akala mo marunong ka na pag na-perfect mo ang short quiz na ito? Mali ka dyan! Kapag nagawa at naisapamuhay mo ang tamang sagot sa bawat sitwasyong ito, ganap ka ng marunong.

Hindi nasusukat ang karunungan sa dami ng medal, sa taas ng pinagaralan, sa taas ng grades sa transcript of records or sa galing mo mag-english at mag-espanyol.. Nasusukat ito sa mga tugon mo sa bawat hamon sayo ng buhay, mula sa maliliit at pang-araw araw na pangyayari sa ating mga buhay. Ang karunungan ay dapat nakikita sa buhay mo at hindi sa papel lamang. Mamaya o bukas nawa’y mabilugan at magawa mo ang tamang sagot.

“Blessed is the one who finds wisdom, and the one who gets understanding, for the gain from her is better than gain from silver and her profit better than gold. She is more precious than jewels, and nothing you desire can compare with her. Long life is in her right hand; in her left hand are riches and honor. Her ways are ways of pleasantness, and all her paths are peace.”

Proverbs 3:13-18

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *