Bago Ka Magsawa…

Bago ka magsawa sa paulit-ulit mong ulam, lakad-lakad ka sa kalsada para makita mong maraming tao na kahit malinis na tubig hindi makatikim.

img_4561

Bago ka magsawa sa luma mong kotse, try mong makipagsapalaran sa MRT at public bus tuwing rush hour.

Commuters ride on the Manila Railway Transit (MRT 3) train along the main road of Epifanio de los Santos (EDSA) in Manila on January 21, 2010. The MRT 3 along with another privately-owned company MRT 2, and government-owned Light Railway Transit corporation (LRT) transport around half a million passengers a day combined. AFP PHOTO/TED ALJIBE

Bago ka magsawa sa bahay mong walang aircon, silip ka sa ilalim ng mga tulay para makita mo yung mga taong nakatira doon na kahit matinong pader at bubong ay wala sila.

img_4563

Bago ka magsawa sa kakagawa ng assignments, projects, thesis, papers at kung ano-ano pa, bisita ka sa bundok o kaya sa mga depressed area para makita mong maraming kabataang tulad mo ang nangangarap na gawin yang mga pinagsasawaan mo.

img_4565

Bago ka magsawa sa asawa mo, try mong lumugar sa sitwasyon ng mga biyudo/biyuda na nag-aasam na sana buhay pa ang asawa nila.

img_4566

Bago ka magsawa sa trabaho mo, basa-basa ka ng balita nang malaman mo kung ilang milyong Pilipino ang nagkakandarapa na makahanap ng trabaho.

PHILIPPINES/

Bago ka magsawa sa kaka-alaga ng makulit, pasaway at maligalig mong anak, subukan mong kamustahin yung mga mag-asawang nangangarap ngunit hindi nabiyayaan ng anak.

img_4568

Bago ka mag-sawa sa araw-araw na routine ng buhay mo, pasok ka sa bilangguan nang malaman mong maraming tao ang naghahangad na maging malaya tulad mo.

img_4569

Bago ka magsawa sa buhay mo at bago mo naising mamatay nalang, dalaw ka sa hospital para makita mong may mga taong nakikipaglaban para sa buhay nila…handang maubos ang lahat-lahat sa kanila mabuhay lang sila.

img_4570

 

 

Bago ka magsabing nakakasawa na, tingin-tingin ka muna sa paligid.. Baka sakaling mapa-thank you ka pa… Baka sakaling ma-realize mong ang palad mo pala at wala kang karapatang magsawa.

img_4571

img_4573

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *