At Hindi Dyan Nagtatapos

Apat na taon na kaming kasal ni Mark! Kumbaga sa college e graduate na kami. Pero kung ang pag-aaral ay natatapos, sa buhay may-asawa maraming mga bagay ang hindi dapat natatapos at ito ang mga sumusunod:

HINDI DAPAT NATATAPOS ANG..

PANLILIGAW 

Ang panliligaw ay hindi first step sa isang relasyon. It is actually a continuing process. Naalala ko nung first date namin ni Mark, lantaran niyang sinabi ang motibo niya sakin at yun ay ang pakasalan ako. Niligawan niya ako, after 4 months sinagot ko sya ng matamis kong OO and after eight months nagpakasal na kami.

Marahil iniisip nyong, sandaling panahon lang ako naligawan.. nagkakamali kayo, hanggang ngayon nililigawan parin niya ko.

Pinagbubuksan ako ng pinto..

Sinusulatan ako ng sweet notes..

Minamasahe ako..

Kapag nagktampuhan kami, kahit ako ang may kasalanan siya ang nauunang sumusuyo..

Binibitbit ang bag ko..

Naghuhugas ng pinggan..

Naglalaba ng mga damit namin kung kinakailangan..

Dinedate ako at nililibre..

Nireregaluhan at sinusupresa ako..

Sinasabihan niya ako na ako lang ang maganda sa paningin nya..

At kung ano-ano pa!

I am so grateful to the Lord that He gave me a man who’s committed in pursuing me for the rest of his life. And take note, He still pursues me kahit nung mga season hulas na hulas ako at tabang-taba sa sarili ko! haha

Binibitbit parin niya ang bag ko kahit kulay ube pa ito! Doble ang kilig dahil bitbit din niya ang panganay namin :)
Binibitbit parin niya ang bag ko kahit kulay ube pa ito! Doble ang kilig dahil bitbit din niya ang panganay namin 🙂

LEARNING TOGETHER

We are not perfect! Akala siguro ng karamihan wala kaming tampuhan moments, misunderstanding at samo’t saring conflicts. Meron din kami nyan! Sabunutan moments ang siguradong wala kami kasi kalbo asawa ko. hehe But seriously, we learn from our mistakes. Yung nag-cause ng mainit na sagutan namin noon, hindi na namin issue ngayon. Yung dahilan kung bakit ko sya nahambalos ng kumot noon, hindi na namin issue ngayon. Sa madaling salita, since wala namang eskwelahan o kurso na nagtuturo tungkol sa buhay may-asawa, we learn along the way, we learn from our experiences and we learn from people.. TOGETHER. Korek! Together talaga. Hindi pwedeng isa lang, because it takes two to tango.

How we respond to crucial situations, how we deal with sensitive issues, how we discipline our kids, how we handle our finances and more, lahat yan natututunan namin sa aming life journey. We also make sure that we have mentors—people we look up to when it comes to marriage and family. Why? Because when we stop learning, we stop growing and when we stop growing, we stop living.

We still make time for dates. Yung kaming dalawa lang. In this picture we are finding our strengths TOGETHER :)
We still make time for dates. Yung kaming dalawa lang. In this picture we are finding our strengths TOGETHER 🙂

ROMANCE

Sa panahon natin ngayon, madaling-madali mong mahahalata kung sino ang mag-jowa at kung sino ang mag-asawa. This is really a sad truth for some. Most of the time (hindi naman lahat), yung mga super tindi ang PDA (public display of affection), sila yung mga magbf/gf. Tapos yung parang wala lang na akala mo hindi magkakilala, sila yung mag-asawa.

Ganito ang mga mag-bf/gf:

Laging magkatext, magkachat at magkausap..

Kung magholding at magyakapan in public, wagas!

Ang mga birthdays, anniversaries, monthsarries, valentines day pati narin ang halloween, sine-celebrate ng bonggang bongga!

Aliw na aliw na sa pakikipagkwentuhan, maghapon-magdamag.

Humaling na humaling sa isa’t isa, wallpaper sa celphone, sa tablet at sa desktop computer ay picture nyong dalawa.

Hindi magkandaugaga sa kung anong endearment ang gagamitin! Minsan baby, tapos honey, then my labs, mahal ko at kung ano-ano pa.

Laging nag-dedate! Kahit wala ng time at budget at kahit pagod sa school or work, #datepamore!

Pero kapag mag-asawa na (lalo na kapag may mga anak na..)

Ni hi o hello wala, minsan magrereply nga sa mahabang text mo, ‘K’ lang ang sagot, i-chachat mo, ‘seen’ zone ka naman, pag kausap mo wala sa sarili o kaya laging nagmamadali.

Wala na ngang holding hands, ni siko nyo halos hindi na nagdidikit.

Nakakalimutan na ang mga special occasions, naaalala nalang kapag nagnotify na sa facebook.

Tamad na tamad makipagkwentuhan. Madalas mas gugustuhin pang hawak ang gadget kaysa makipagwentuhan..

Wallpaper ba kamo? Kung hind picture ng mga anak, selfie picture nalang.

Wala na ngang endearment, minsan ‘HOY’ pa ang tawag sayo o kaya buo mong pangalan.

Hindi na uso ang date. Magastos kasi, walang time at pagod na sa trabaho.

Romance is the result of your passionate love for each other. Romance can be as simple as telling him that he looks good. Yung simpleng tapik sa pwet sabay sabing ‘movie date tayo later, pagtulog ng mga kids’. Romance is never ending.

Celebrating our 4th year with a goodnight kiss :)
Celebrating our 4th year with a goodnight kiss 🙂

GROWING IN YOUR RELATIONSHIP WITH GOD

Ito ang pinakamahalaga sa lahat. My relationship with God is the most valuable and important relationship I have. I love God more than I love Mark, ganun din naman si Mark. We love God more than we love each other. Kaya naman we can love each other more because we are connected to the ultimate source of love and that is GOD.

Sa mga pagkakataong hindi lovable si Mark, I can still love him dahil ang DIOS ang nagbibigay ng pagmamahal sa akin para sa kanya. When we love GOD first, everything will follow. Imposible namang inlove na inlove ka sa Dios sabay bitter ka sa asawa mo. Its ironic when you confess that you love God and yet your marriage is failing. I believe that all relational problems are not really relationship problems but ‘GOD problems’. Kung growing at maayos ang relasyon natin sa Dios it will reflect on the relationships that we have and vice versa. That’s why whenever I feel cold or parang nawawalan nako ng gana sa asawa ko, I just check kung kamusta na ba ang relasyon ko sa Dios then doon ko nakikita kung  saan ako nagkamali at kung ano ang dapat kong gawin.

Marriage Booster at Victory Fort
Marriage Booster at Victory Fort

It’s our fourth year wedding anniversary as husband and wife. Maraming marami pa kaming pagdadaanan, pagaaralan, pagsasamahan at pagsasaluhan. Patapos na ang blog ko pero ang ligawan, learnings, romansa at pagpapalago ng aming relasyon sa Dios ay hindi matatapos.

O sya! Tulog na ang mga bata, mag-dedate na kami ?

fullsizerender-101

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *