A Call to Finish

PARA SA MGA MAG-AARAL NA:

  1. Nagsunog ng kilay maipasa lang mga walang kamatayang quizzes, achievement test, periodical exams, prelim, midterm, finals, pati na rin ang blood test and urine test!
  2. Lowblood at anemic kakapuyat sa pag-babasa ng sandamakmak na libro na di ko naman na maalala ngayon.
  3. Nagtrabaho, rumaket, sumideline makibili lang ng ga test tube, microscope at laboratory (anu raw???)
  4. Wala pa ring lovelife dahil inuuna ang pag-aaral.
  5. Bumagsak ngunit muling bumangon hindi upang ipamukha sa kanilang teacher na magaling sila kundi para patunayan sa kanilang sarili na ‘winner’ sila.
  6. Dinugo at hindi dinatnan ng limang buwan sobrang pressure at stress kakagawa ng term papers at thesis.
  7. Suki ng folder kakagawa ng science project, math project, Filipino project, building project at kung anu-anu pang project!
  8. Nagsangla ng cellphone, alahas at refrigerator may maibayad lang sa registrar.
  9. Nagutom at nagka-ulcer kakatipid ng baon.
  10. Nakipagsapalaran sa mga holdupper, snatcher at budul-budol gang sa araw-araw na bayahe papuntang eskwelahan.
  11. Napahiya, napa-face the wall, napa-squat at napalinis ng CR ng kanyang guro.
  12. Napalo ng nanay o tatay at napaluhod sa asin dahil sa mababang marka.
  13. Lumusong sab aha at nagka-leptospirosis makapasok lang sa eskwelahan.
  14. Walang tulog, walang kain at walang ligo sa panahon ng finals.
  15. Nagbenta ng yema, pastillas, boybawang, tocino, bagoong, avon at Natasha pandagdag sa mga pambihirang gastusin sa paaralan.
  16. Nagkabisado ng multiplication table, table of elements, table of contents at region 1-12 ng buong puso at walang pag-aalinlangan.
  17. Nawindang at halos masiraan ng bait kakahanap kay ‘x’ sa x2 + y2 – 5 (abc) x r2 – xy2 = ??.
  18. Sa mga may award, Best in English, Best in Math, Most Neat, Most Talkative, Most Computer, sa mga walang award at sa  mga mukhang may award.
  19. Nagpalipat-lipat ng kurso at inabot ng 48 years sa kolehiyo.
  20. Sumabit sa jeep, nakipagsiksikan sa bus, nakaladkad ng tricycle at dumanas ng matinding pagsubok sa pagsakay sa napakaluwag na MRT…

 

Binabati ko kayo. Natapos na natin sa wakas ang higit sa dalawang dekada ng pag-aaral. Sa lahat ng paghihirap at pagdurusang ito, masasabi kong ‘it’s all worth it’! 2008 Graduates, magdiwang tayo at magpacheeseburger sa napakapambihirang kabutihan ng Dios sa atin. Patuloy nawa nating gamitin ang lahat ng ating pinag-aralan para sa ikaluluwalhati ng Dios na nagbigay sa atin ng buhay at talino.

PARA SA MGA MAGULANG NA:
1. Halos maging ‘maintenance man’ nan g opisina kaka-overtime.

2. inuunahan ang mga tandang sa pagtilaok para asikasuhin ang kanilang mga anak

3. Kinapalan ang mukha at tinapangan ang loob para gawan ng paraan ang mga gastusin sa eskwela.

4. Gumapang sa hirap at nalubog sa utang matustusan lang ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

5. Walang sawang sumuporta at kinalinga ang kanilang mga anak…

Kami’y nagpupugay sa inyong kagitingan! Ang tagumpay ng aming pagtatapos ay alay namin sa inyong aming mga magulang na syang una naming guro.

–Pananalita ng Pagtatapos 2008 at ECF’s Baccalaureate Service

 

graduation-749430

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *